Obrero lasog sa tren

Isang 33-anyos na obrero ang iniulat na nasawi nang masagasaan ng train habang tumatawid, kahapon ng madaling araw sa bayan ng Taguig.

Nakilala ang nasawi na si Rey Moralison, 33, ng Lot 4, Zone 6, Sitio Imelda, Barangay Upper Bicutan ng nabanggit na bayan.

Samantala, mabilis namang tumakas ang operator ng train na nakilala lamang sa pangalang A. Cruz.

Base sa ulat, naganap ang insidente dakong ala-1:10 kahapon ng madaling araw. Mabilis na tumawid ang biktima at hindi nito namalayan ang paparating na tren galing Tayuman at patungong Calamba, Laguna na nakahagip sa kanya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments