Sekyu natulog sa duty, binangungot, patay

Isang security guard na sinasabing natulog sa duty ang iniulat na namatay sa bangungot, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawi na si Alexito Gallano, nakatalaga sa opisina ng Security Services Corporation sa Barangay Plainview, ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ni SPO2 Jaime Masilang, may hawak ng kaso natagpuan ang biktima ng kanyang karelyebong sekyu dakong alas-7 ng gabi sa may reception area ng opisina.

Matapos mag-uwian ang mga empleyado, hinihinalang nakatulog ang biktima dahil sa wala nang makausap. Malaki ang posibilidad na binangungot ito dahil sa wala namang makitang anumang uri ng pinsala sa katawan nito. (Ulat ni Danilo Garcia)

Show comments