^

Metro

Lider ng jeepney drivers todas sa ambus

-
Inambus at napatay ang isang dating pulis at kasalukuyang presidente ng mga samahan ng mga jeepney driver , kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Namatay noon din sanhi ng tatlong tama ng bala sa katawan at ulo ang biktima na nakilalang si Al Bacalso, 37, presidente ng Novaliches-Deparo-Bagumbong Jeepney Operators and Drivers Association (BAJODA).

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspect na nakilalang si Boyet Rivera, residente sa nasabing lugar.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Allan Budios, ng Station Investigation Bureau (SIB) dakong alas-7:30 ng umaga nang maganap ang nasabing pamamaslang sa kahabaan ng North Crest Subdivision, Bagumbong ng nasabing lungsod.

Nabatid na tinatahak ng biktima ang nasabing lugar sakay ng pampasahero nitong jeep nang bigla na lamang sumulpot ang suspect na armado ng kalibre .38 baril at walang sabi-sabing pinaulanan ng bala ang biktima.

Bagamat sugatan nagawa pa ng biktima na makababa ng sasakyan at tumakbo papalayo subalit hinabol pa rin siya ng suspect at muling pinagbabaril.

Matapos ang isinagawang krimen mabilis na tumakas ang suspect. Inaalam naman ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang.(Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

AL BACALSO

ALLAN BUDIOS

BAGAMAT

BAGUMBONG

BOYET RIVERA

CALOOCAN CITY

DRIVERS ASSOCIATION

GEMMA AMARGO

NORTH CREST SUBDIVISION

STATION INVESTIGATION BUREAU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with