^

Metro

NBI agent, 4 na iba pa patay sa bigong drug-bust

-
Lima katao ang iniulat na nasawi, kabilang dito ang isang NBI agent at dalawang informant ng bureau sa umano’y nabigong drug-bust operation na naganap sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kabilang sa mga nasawi ang isang opisyal ng NBI na nakilalang si Teddy Colcoli ng NBI dangerous drugs division, dalawa nitong asset na sina Daniel Domingo at Soledad de Guzman. Nasawi rin ang dalawang drug traffickers na sina Alvin Bantuas at Bolkhier Calandeda.

Base sa ulat, naatasan si Colcoli na hulihin ang grupo ng suspect na si Bantuas na isang kilabot na drug trafficker sa North Fairview.

Isang drug-bust operation ang inihanda sa tulong ng mga informant na sina Domingo at de Guzman. Lulan ang tatlo sa isang taxi at nagtungo sa bahay ng mga suspect sa Baker St., Fairmont Subdivision, North Fairview.

Bumusina si Colcoli na iyon ang palatandaan at sumakay ang suspect na si Bantuas.

Hiniling muna ni Bantuas na makita ang pera at nang makita ang may P600,000 marked money ay sinenyasan nito sa Calandeda na lumapit.

Nagduda umano si Colcoli na mayroong hindi magagandang magaganap kaya agad itong bumunot ng baril subalit mabilis na inagaw ng suspect na si Calandeda.

Ilang putok ng baril ang umalingawngaw at makaraan ang ilang sandali ay kapwa duguang bumagsak sina Colcoli at Bantuas na kapwa nasawi.

Samantalang ang dalawang asset na sina Domingo at de Guzman ay kinaladkad sa loob ng bahay ng iba pang suspect at doon tuluyang itinumba.

Sa isinagawang follow-up operation nabatid na naaktuhan din ng mga NBI agent si Calandeda na nagtangka ring mag-agaw ng baril ng isang agent kaya ito tuluyang binaril at napatay. Ito ay naganap sa Pasay City ilang oras matapos ang naganap na barilan sa Quezon City.

Nakatakas ang iba pang suspect na pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad. (Ulat nina Andi Garcia at Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALVIN BANTUAS

ANDI GARCIA

BAKER ST.

BANTUAS

BOLKHIER CALANDEDA

CALANDEDA

COLCOLI

GUZMAN

NORTH FAIRVIEW

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with