^

Metro

'Bata' ni Mayor Atienza na masamang tumingin binoga ng pulis

-
Isang 36 anyos na lalaki na umanoy malapit kay Manila Mayor Lito Atienza ang binaril at napatay ng isang miyembro ng Northern Police District Office dahil sa umanoy masamang tingin nito nang magtalo sa isang trapik kahapon ng hapon.

Ang biktima na namatay habang dinadala sa Mary Johnston Hospital dahil sa dalawang tama ng bala sa hita at pantog ay nakilalang si Arnel Dela Cruz, kawani ng Department of Public Safety ng Manila City Hall at residente ng 308 Lalana St.,Tondo,Manila.

Agad namang sumuko ang suspek na si PO2 Alexander Carlos nakatalaga sa NPDO-Mobile Patrol Unit.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Danny Vidal na dakong ala-1:30 ng hapon ay sakay ang biktima sa isang pedicab kasama ang kapatid at pababa pa lang sa tapat ng kanilang bahay.

Subalit hindi alam ng magkapatid na nasa likuran nila ang suspek na sakay ng scooter at galit na bumusina dahil hindi ito makadaan.

Nang bumaba ang biktima sa pedicab ay tinitigan nito ng masama ang suspek at pinagwikaan umano ng " bababa pa ako".

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa magsuntukan pero natatalo ang suspek kaya binunot nito ang baril na 9MM at pinaputukan ang biktima ng dalawang beses.

Ayaw namang magbigay ng pahayag ang suspek nang ito ay kausapin ng mamamahayag sa loob ng detencion cell ng WPD. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ALEXANDER CARLOS

ANDI GARCIA

ARNEL DELA CRUZ

DANNY VIDAL

DEPARTMENT OF PUBLIC SAFETY

LALANA ST.

MANILA CITY HALL

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MOBILE PATROL UNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with