Bukod sa pagkakakulong, nanganganib din na ma-disbar si Atty. Henrich Garena, 36, ng 709 P. Paterno St. Quiapo, Maynila bunga na rin ng mga kasong coercion, unjust vexation, harrassment, resisting arrest at disobedience to lawful order.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, kumakain sa Buddys Restaurant sa Kalayaan Ave. Makati City ang magkasintahang sina Annie Desalit, 24, isang bank employee at Emmel Ecrael, 24 isang engineer nang bigla na lamang lumapit si Garena na lasing.
Pinipilit ni Garena na kausapin ang nililigawang si Desalit subalit matigas naman ang pagtanggi nito.
Binantaan ni Garena ang dalawa, subalit mabilis naman itong dinakip ng mga pulis. (Ulat ni Lordeth Bonilla)