PNP naka-alerto sa pagbubukas ng klase

Nakaalerto na ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) sa posibleng pagsasamantala ng masasamang elemento sa pagbubukas ng klase na inaasahang dadagsa ang milyong estudyante partikular na sa Metro Manila sa susunod na buwan.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Romeo Peña na handa na ang kanilang puwersa na mangalaga sa kaayusan at kapayapaan sa lahat ng mga eskwelahan sa Metro Manila.

Sinabi ni Peña na ipapatupad nila ang intensified deployment of beat patrol para protektahan ang mga estudyante mula sa nakaabang na mga kriminal na nakapaligid sa mga eskuwelahan.

Partikular na tutukan ng kapulisan ang mga holdaper, snatcher at mga kidnaper na tiyak na gagawa ng modus operandi laban sa mga estudyante na nabibilang sa class A at B. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments