Nene nagbayad ng oral sex sa inumit na tsokolate at laruan

Upang mabayaran ang umano’y ninakaw na tsokolate at laruan, isang grade IV pupil ang minolestiya at "pinag-blow-job" ng isang empleyado ng Seven Eleven sa Las Piñas City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay itinago sa pangalang Mylene, 9-anyos, grade IV pupil sa Pulang Lupa Elementary School.

Samantala, nakakulong naman sa Las Piñas City police ang suspek na nakilalang si Alex Perez, 30, nakatira sa #10 Pag-Asa st., Malibay, Pasay City.

Base sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-7 kamakalawa ng gabi sa Seven Eleven na matatagpuan sa Naga Road panulukan ng Real st., Pulang Lupa.

Paikut-ikot umano ang biktima sa naturang tindahan kasama ang isang kaklase nito na hindi na binanggit ang pangalan.

Nagduda ang guwardiya kaya nang papalabas na ang dalawa ay nag-inspeksyon ito sa biktima at kasama nito at dito nakumpiska ang isang pirasong tsokolate at laruan.

Bilang pambayad, dinala ng suspek ang biktima sa isang tagong lugar ng nasabing tindahan at dito naganap ang pangmomolestiya sa kanya.
Nabatid pa sa bata na pinasubo umano sa kanya ng suspek ang ari nito.

Matapos ang insidente ay agad na nagsumbong ang bata sa kanyang mga magulang na naging dahilan upang ireklamo ang suspek na si Perez. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments