Ayon kay Atty. Jovencio Balinguit ng Comelec Quezon City, ang mga local officials ay sa Pebrero 28 ang filing ng COC at sa Marso 30 ang panahon ng pangangampanya.
"Kung meron kayong nakikitang ganyan, maaari ninyong ipaalam dito sa amin," ani Balinguit.
Kaugnay nito, sinabi rin ni Balinguit na yung mga local officials naman na naglalagay ng mga pagbati tulad ng "Happy Valentine’s", at maglalagay ng "Happy Graduation" sa Marso ay walang katapat na kaparusahan at walang paglabag sa Comelec.
Gayunman, kung ang kanilang pagbati sa mga poster at streamer ay may kasamang iboto ang politiko at hindi pa naman siya nagpa-file ng COC, siya ay maaaring ma-disqualify sa pagtakbo sa local elections.
Bukod umano sa disqualification, may kaukulang multa ring pinapataw ang Comelec.
Doon naman umano sa mga senador na nagpaskil na ng kanilang mga poster, bagamat may nakita silang illegal posters, hindi nila mapaparusahan ang mga ito dahil hindi nila ito nakitang naglagay ng posters.
Pinapayagan lamang umano ng Comelec ang paglalagay ng mga posters ng mga kandidato sa lahat ng common places tulad ng mga palengke. (Ulat ni Angie dela Cruz)