5 sugatan sa demolisyon

Lima katao ang nasugatan sa isinagawang demolisyon ng pamahalaang lokal ng Taguig sa may 400 pamilya sa Pag-asa st., pagitan ng Bgy. Hagonoy at Signal Village, ng nasabing bayan, kahapon ng umaga.

Base sa sketchy report ng pulisya, hindi pa nakukuha ang mga pangalan ng limang biktima na dinala sa hindi rin nabanggit na pagamutan.

Ayon kina Michelle Sapare at Niel Arca, secretary at miyembro ng Creekland Neighborhood Association, dakong alas-9 kahapon ng umaga nang salakayin sila ng demolition team ng pamahalaang lokal ng bayan ng Taguig at ilang miyembro ng Taguig police at goons na pawang nakamaskara at naka-bonnet.

Ayon sa mga residente, wala silang natanggap na court order kaya’t ilegal umano ang ginawang demolisyon sa kanila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments