^

PSN Showbiz

'Sobrang happy kami': Xian Lim filmmaker na ang dine-date

James Relativo - Philstar.com
'Sobrang happy kami': Xian Lim filmmaker na ang dine-date
Litrato nina Xian Lim (kaliwa) at Iris Lee (kanan)
Mula sa Instagram accounts nina Xian Lim at Iris Lee

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng aktor na si Xian Lim na nagde-date na sila ng Viva film producer na si Iris Lee — ito habang idinidiing "walang third party" sa hiwalayan nila ni Kim Chiu ilang buwan na ang nakakalipas.

Ito ang ibinahagi ni Xian sa special feature ng Esquire magazine na inilathala noong Huwebes.

"Yes, I’m seeing Iris," sabi niya sa panayam. "Just to clear everything, to clear all the speculations. We are seeing each other and we are very happy."

"Una sa lahat, Iris is a talented filmmaker... She's my producer and she's also my creative partner."

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Iris Lee (@iris.lee)

Si Lee ay isang Filipino-Chinese senior associate producer na siyang nagtra-trabaho ngayon sa Viva.

Ginamit na rin ni Xian ang naturang pagkakataon para linawin na nagsimula umano silang mag-ligawan noong hiwalay na sila ni Kim.

"These are the things that I want to clarify... Number one: that there was a third party [with regards to my breakup with Kim Chiu]," wika niya.

"There's no third party. That's it. That plain and simple."

Pinasinungalingan din ng aktor ang mga tismis na kasal na raw siya o hindi kaya'y matagal nang may ibinabahay na iba. Aniya, tanging ang kanyang nanay, lola at lolo lang daw ang kasama niya sa bahay.

Ikinalulungkot na lang din daw niyang may ibang taong nadadamay sa mga isyu lalo na't may ilang bagay sa buhay na hindi raw talaga makontrol.

"Ang busy-busy ni Iris, ang busy-busy ko. She has a lot on her plate, and I have a lot on my plate," sabi pa ni Xian.

"And, you know, she doesn't deserve all that flak. We don't deserve that because all the things na people are saying, there's no truth to any of it."

Umabot ng halos 12 taon ang relasyon nina Kim at Xian nang mangyari ang hiwalayan. Bago ito, matatandaang binura ni Xian ang mga YouTube videos niya kasama ang ngayo'y ex-girlfriend.

Marso lang nang linawin ni Kim na hindi sila magkaaway ni Xian at game pa ngang maka-trabaho ang ex-boyfriend sa isang proyekto sa GMA, lalo na't pareho na silang nasa Kapuso Network.

vuukle comment

KIM CHIU

VIVA

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with