Hunyo 10, 2022

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Maganda ang iyong araw ngayon dahil walang magiging suliranin sa trabaho at pamilya. Magiging balance ang lahat ng bagay sa oras. Ang makipag-ugnayan sa mga kamag-anak o mga kaibigan ay inaayunan ng panahon. Lucky numbers at color for the day ang 3, 11, 33, 42 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) May mga kamag-anak na handang tumulong at dumamay sa iyong suliranin. Ang kalusugan ay dapat hindi ipag-walang-bahala. Lucky numbers at color for the day ang 17, 21, 32, 40 at baby pink.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Iwasan ang maglakbay ng malayo. Ipagkasya o ilagay sa budget ang anumang gastusin. Sa negosyo, maging maunlad ka. Lucky numbers at color for the day ang 5, 22, 34, 38 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang magalit o mabilis na pag-init ng ulo. May pagkasensitibo ang isang nakakatandang kaanak, unawain siya. Lucky numbers at color for the day ang 12, 16, 40, 43 at white.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Sa anumang gawain, sipag at tiyaga ang dapat pa-iralin. Matataranta ka sa pagsulpot ng problema. Kalmahin ang sarili. Lucky numbers at color for the day ang 14, 27, 31, 35 at golden brown.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang kalagayang pinansyal ay may magandang kinakaharap at nasa tamang landas ng kaunlaran kung magsisikap pa. Lucky numbers at color for the day ang 10, 28, 35, 43 at honey yellow.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Isang matalik na kaibigan o kaanak ang mag-bigay ng malaking problema. Maging matalino sa pagpapasya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 27, 35, 39 at fuchsia.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Panatilihin ang maging maunawain at mapag-bigay. Araw ngayon ng pagpapatawad. Makakaramdam ng ginhawa sa kalooban. Lucky numbers at color for the day ang 19, 25, 35, 40 at silver gray.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Ang pagkalulong sa sugal o ibang laro ng pakipagsapalaran ay balakid sa pag-unlad. Kaya tantanan na. Lucky numbers at color for the day ang 6, 28, 34, 43 at royal blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Matutong magdesisyon ng mabilisan at tiyak. May pagkakataong matapos ang gawain na matagal nang napabayaan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 34, 44 at ivory white.

ARIES:  Mar. 21-Abr. 19) Maging matatag sa gagawing pagpapasya. Huwag malito sa iba’t ibang payong maririnig mula sa mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 14, 19, 25 at yellow gold.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magiging matalinong hakbang ang pansamantalang paglayo sa mga masamang kaibigan. Ang payo ng higit na nakakaalam ay mahalaga. Lucky numbers at color for the day ang 9, 25, 28, 32 at jade green.

Show comments