^

Kutob

Mayo 14, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) May mga kaanak na handang tumulong at dumamay sa suliranin. Suportado ka rin ng iyong mga kaibigan. Ang kalusugan ay nanghihingi ng pansin o pagpapahinga, huwag itong ipagkait sa sarili. Lucky numbers at color for the day ang 6, 22, 32, 41 at pink.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Walang magiging problema sa tahanan at pamilya, gayundin sa trabaho o pinapasukan. Ingatan lang ang kalusugan. Ang pagpupuyat ay iwasan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 33, 42 at violet.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Magiging matalinong hakbang kung lalayo muna sa mga kaibigang may masamang bisyo. Wala silang mabuting idudulot sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 9, 17, 39 at jade green.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang urong-sulong na desisyon ay magbubunga ng kapalpakan at pagsisisi. Anumang desisyong nagawa, dapat panindigan. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 27, 43 at ivory white.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Iwasan ang palaging nakasandal sa mga de­talye. Gawin ang sariling paraan sa pagresulba ng problema. Lucky numbers at color for the day ang 12, 14, 33, 40 at royal blue.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung kaunlaran ang hangad, iwasan ang anumang uri ng pakiki­pagsapalaran gaya ng sugal. Tutukan ang trabaho. Lucky numbers at color for the day ang 5, 8, 16, 41 at gray.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Dahil sa taglay na suliranin, magiging masungit ka ngayon. Kailangan mo ng payo ng higit na nakakaalam. Suriin ang pagkakatiwalaan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 13, 19, 39 at fuchsia.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Huwag magpadalos-dalos ng pasya o desisyon. Pag-isipan muna ng mabuti ang dapat gawin bago pumalaot. Umiwas sa tsismis. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 23, 37 at white.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) May pagkasensitibo ka ngayon. Walang mapapala kung magiging ganito ang iyong attitude dahil sarili ang parurusahan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 10, 14, 23 at brown.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Iwasan ang mataranta sa umaga dahil magsusulputan nang sabay-sabay ang maraming gawain. Relax lang dahil matatapos din ang lahat. Lucky numbers at color for the day ang 14, 19, 26, 39 at blue.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Nasa tamang landas ang kalagayang pinansiyal kung patuloy ang pagsisikap, ngunit lilihis sa tamang landas kung magpapabaya. Lucky numbers at color for the day ang 3, 9, 19, 40 at yellow.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Iwasan ang maglakbay ng malayo. Ilagay sa budget ang pamimili. Kahit ano ang mangyari magi­ging masaya ang buong pamilya. Lucky numbers at color for the day ang 2, 15, 29, 33 at beige.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with