^

Kutob

Pebrero 1, 2020

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Huwag mahiyang magsabi sa magulang na kailangan ng pera na pambili ng gamit. Higit nilang inaasahan ito at hinihintay lamang nila na magsabi ka dahil handang-handa silang ibigay ang tulong. Maaasahan ang suporta ng magulang at mga kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 4, 23, 39, 44 at pink.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isang kaibigan ang hihingi ng payo. Kahit masaktan siya, sabihin ang katotohanan para mapagtanto niya ang kanyang pagkakamali. Iwasan magbigay ng false hope sa iyong kapwa. Maging tapat sa sarili at kapwa. Lucky numbers at color for the day ang 5, 18, 25, 36 at royal blue.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kung may problema sa relasyon, posibleng hahantong sa hiwalayan kung hindi aayusin ngayon. Iwasan na magkaroon ng alitan. Pag-aralan ang gagawing desisyon bago sumang-ayon o gawin. Lucky numbers at color for the day ang 20, 27, 39, 43 at brown.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Pinsan, kamag-anak o kaibigan ang makakatulong para maayos ang problema. Makinig at sundin ang payo. Kung selos ang ugat ng hindi pagkakaunawaan, hahantong sa matagal na hindi pagbabati. Mag-effort para maayos kaagad ang anumang gusot. Lucky numbers at color for the day ang 2, 16, 23, 31 at mint green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Magkakasamaan ng loob ang magkasintahan dahil sa selos. Walang dulot na kabutihan kung makikipagmatigasan. Masisira ang relasyon ng walang mabigat na dahilan kung pride ang paiiralin. Magpakumbaba kung kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 27, 37 at sky blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Huwag mawalan ng pag-asa kung hanggang ngayon wala ka pa ring trabaho o walang nangyari sa iyong buhay. Makakahanap ka rin ng trabaho kung mananatiling matiyaga at nagtitiwala sa sarili. Sipag at tiyaga ang kailangan upang magtagumpay. Lucky numbers at color for the day ang 13, 20, 27, 31 at white.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Walang dapat ipag-alinlangan sa kasuyo o minamahal dahil tapat siya sa iyo. Kung may duda, iwaglit dahil nagkakamali ka. Kabaligtaran sa nega-tibong pag-iisip ang nakatadhana. Tuklasin muna bago ang mga bagay-bagay bago magdesisyon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 18, 24, 41 at beige.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag pilitin ang sarili kung may duda dahil kapahamakan ang aabutin. Dahil sa puyat o pagod hindi magagawa ang dapat gawin. Magpahinga upang manumbalik ang enerhiya ng kasiglahan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 29, 38 at green.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung tapat ang hangarin, ituloy dahil magtatagumpay. Walang dapat ikapangamba kung malinis ang intensiyon. Kung  nasa isip ang tama at mabuti, gawin o ituloy ang balak. Naaayon ang makipagsosyalan sa mga barkada. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 36, 42 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag mahiyang magtanong kung hindi alam ang gagawin. Sa pagdudunung-dunungan kapahamakan ang mapapala. Kung may pagdududa, kumunsulta sa higit na nakakaalam. Huwag ituloy kung hindi tiyak ang kalalabasan ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 8, 19, 27, 34 at gray.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Aminin ang nagawang kasalanan. Huwag matakot na hindi mapatawad. Lalong sasama ang loob niya kung sa iba malaman ang nagawa. Ang tao ay may pagkakamali, ang mahalaga ay marunong kang tumanggap, magsisi at handang magbago. Lucky numbers at color for the day ang 7, 14, 28, 42 at red.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Bumagsak man sa pagsusulit, huwag panghinaan ng loob. Sa halip, ang nangyari ay hamon para magsikap pa. Kulang ka sa kahandaan kaya ugaliin ang maging maagap. Lucky numbers at color for the day ang 10, 24, 32, 41 at yellow.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with