^

Kutob

Nobyembre 22, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Magpasalamat kung may kaibigan na magsasabi tungkol sa hindi kanais-nais sa iyong ugali para maituwid kaagad ito at ng hindi lumala. Kung may napuna kang parang nilalayuan ng ilang kaibigan, tiyak may hindi gustong bagay sa’yo. Alamin at ituwid ang bagay na hindi nagustuhan sa iyo bago lubusang mawalan ng kaibigan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 6, 40, 43 at neon green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Hindi masama ang umibig basta tiyakin na walang pananagutan sa iba at sang-ayon ang mga kamag-anakan ng magkabilang panig. Magdalawang-isip ka kung may tutol sa pakikipag-relasyon dahil kung magkakatuluyan, malaking hamon. Lucky numbers at color for the day ang 6, 19, 33, 37 at sky blue.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Ang madalas mong reklamo ay magbibigay ng demerito sa tungkulin. Kung may reklamo tungkol sa trabaho, direktang sabihin sa nakakataas o idaan sa sulat upang maging legal ang basihan. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 30, 40 at blue.

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Mahalagang pakinggan ang mungkahi, pag-aaral o suhestiyon para sa ikauunlad o ikabubuti ng negosyo, pinansiyal o personal. Magpasalamat dahil may kaibigan, magulang o kasamahan ang nagmamalasakit. Lucky numbers at color for the day ang 10, 12, 34, 39 at green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Kung may itinatago, iwasan ang magkwento sa iba dahil tiyak hindi mapipigilan at maraming makakaalam dahil ang mapagsusumbungan ay ipagkakalat ang tungkol dito. Magiging mapaghinala ang minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 9, 13, 32, 33 at red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Tingnan ng mata, pakinggan ng tainga subalit ang maganda, itikom ang ibig. Huwag magtsismis upang hindi mabaon sa utang. Sarilihin ang nakita o narinig dahil kung ipagkakalat, tiyak pagmumulan ng gulo. Lucky numbers at color for the day ang 2, 7, 18, 43 at orange.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Kung may negosyo, magsisimula na ang pag-unlad. Kung “buy and sell” ang ka-lakal, magkaroon ng “potential prospect” o malamang makakapagbenta o makakabili ng murang bagay na malaki ang tutubuin. Lucky numbers at color for the day ang 3, 4, 34, 36 at indigo.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Halos lahat ng bawal ay napakasarap masubukan o matikman. Sa mga walang pananagutan sa buhay, huwag ibigay o tikman ang pinakabawal na wala sa tamang panahon dahil pagsisihan. Lucky numbers at color for the day ang 18, 20, 39, 41 at brown.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Masakit man ang mga salita na maririnig, pikit-mata mong tanggapin dahil alam mong may pagkakamali ka. Huwag maghinanakit at isipin na isang magandang leksyon ang nagawa na hindi na mauulit kailanman. Lucky numbers at color for the day ang 1, 4, 30, 34 at beige.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang daliri ng kamay kailanman ay hindi pantay, kaya huwag ihambing sa sarili ang magagawa ng iba. Ang kaya mo ay hindi kaya ng iba, subalit may kaya ang iba na hindi mo kaya. Lucky numbers at color for the day ang 8, 14, 32, 39 at jade green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Kung may pangakong hindi natupad, huwag kalimutang tawagan at humingi ng dispensa, bata man o matanda upang hindi masira ang pagkatao. Dahil may dahilan na hindi ‘yun magagawa. Lucky numbers at color for the day ang 9, 20, 38, 40 at yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Kung may katungkulan at alam na may pagkakamaling nagawa ang nasasakupan, huwag matakot kumprontahin o bigyan ng leksiyon upang maging tapat sa tungkulin. Trabaho lamang 'to at walang personalan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 12, 41, 42 at aqua blue.

vuukle comment

KUTOB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with