^

Kutob

Hunyo 24, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Isang magandang balita ang matatanggap ngayon na tiyak na magpapasaya sa buong maghapon. May pagkakataon na yayayain ang isang kaibigan at maaaring mapagkwentuhan ang balita na maaaring magbigay kagalakan sa’yo. Lucky numbers at color for the day ang 54, 13, 25, 31 at burgundy

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Pinakamabisang paraan para mapaglabanan ang takot ay ang pagkakaroon ng positibong isipan, na kahit ano ang mangyari ay magiging maayos ang resulta ng anumang ginagawa. Lucky numbers at color for the day ang 7, 19, 25, 44 at lime.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Huwag itago ang tunay na nararamdaman. Kung nalulungkot o nasasaktan, walang dahilan para magkunwaring masaya. Hindi kailanman makakabuti ang mabuhay sa mundo nang pagkukunwari. Lucky numbers at color for the day ang 8, 12, 30, 42 at chocolate brown.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Aakalaing kay hirap ang nakatakdang gawain pero kapag nasimulan na ito, mapagtatantong hindi naman pala ito ganoon kahirap. Huwag nang sayangin ang oras sa pag-iisip. Lucky numbers at color for the day ang 8, 16, 23, 37 at orange.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag mag-alala dahil anuman ang gawin, tiyak na maganda ang magiging resulta. Iwasan ang katarayan dahil sa halip na ang puwedeng maging kaibigan ay siya mo pang makakaaway. Lucky numbers at color for the day ang 13, 16, 39, 45 at yellow green.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Pinagpaguran mo ang lahat nang kung ano mang mayroon ka, kaya ang sinumang nag-iisip na dapat mong isuko ang lahat nang natanggap mo ngayon ay tiyak nangangailangang maiharap sa katotohanan. Lucky numbers at color for the day ang 12, 24, 36, 42 at violet.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Isang tawag mula sa minamahal ang magpapasaya at magpapaganda ng araw mo. Huwag mahiyang magsabi kung may kaunting problemang dinaranas. Matutuwa pa nga ang taong ‘yun dahil alam niyang hindi ka nagtatago ng sikreto sa kanya. Lucky numbers at color for the day ang 10, 23, 34, 40 at rainbow.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Marunong ka ngayon makisama at makibagay. Iyon ang gustung-gusto ng mga kaibigan mo. Panatilihin ang ganitong ugali dahil lalong darami ang magmamalasakit sa’yo. Panahon nang pagbabago ng ugaling masungit. Lucky numbers at color for the day ang 8, 23, 35, 40 at red orange.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Isiping mabuti kung ano ang nais gawin. Huwag magpadalus-dalos nang desisyon. Isaisahin ang hakbang hanggang sa tuluyang makamit ang nais. Lucky numbers at color for the day ang 6, 15, 34, 41 at neon green.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Mapagtatanto kung gaano ka naging mukhang estupido nitong mga nakaraang araw, na natakot sa isang bagay na hindi naman dapat katakutan. Huwag mahiya sa bagay na ito, dahil natural lamang ang nararamdaman. Lucky numbers at color for the day ang 6, 18, 24, 39 at silver.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Pairalin lagi ang isip at ang emosyon. Bagama’t oo, pagdating sa pag-ibig, higit na may kapangyarihan ang puso kaysa isip. Ang importante ay parehong gumagana ito. Lucky numbers at color for the day ang 2, 20, 34, 41 at golden brown.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Manatiling kalmado. Ang sobrang pagkataranta at pagmamadali ay lalo lamang magdudulot ng hindi maganda. Resulbahin ang problema sa paraang maayos at mahinahon. Lucky numbers at color for the day ang 4, 10, 26, 30 at strawberry red.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with