^

Kutob

Mayo 18, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Sisiguraduhin mong magiging maganda ang inyong suyuan ng minamahal ngayon. Kakayanin mo ang nakakapagod na hamon ng araw na ito. Lucky numbers at color for the day ang 1, 15, 29, 36 at lavender.

GEMINI : (May.21-Hun. 21) Mag-iisip ka ng mga oportunidad na babagay sa magandang kita. Matatanggap mo ang tiwalang matagal mo nang hinihintay mula sa trabaho o minamahal. Lucky numbers at color for the day ang 8, 13, 30, 38 at midnight blue.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Idudulot ng isang tao ang pagsibol ng iyong damdamin. Magigipit ka sa pera sa araw na ito pero mananatiling masigla. Mawiwili ka sa bagong tuklas ng sensya. May bagong oportunidad na darating. Lucky numbers at color for the day ang 5, 15, 16, 28 at turquoise.

LEO : (Hul. 23-Ago. 22) Sabay kayong mangangarap ng minamahal tungkol sa maganda ninyong kinabukasan. Hindi mo papansinin ang mga maliliit na bagay na dating nagpapairita sa’yo. Masigla ang puso mo dahil sa type na manliligaw. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 36, 41 at dollar green.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Pareho ang inyong damdamin sa isa’t isa. Maiging ipagtapat kaagad bago siya mawala sa’yo. Mawawalan ka ng pasensiya sa iyong katrabaho kaya pasensya ang kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 9, 16, 25, 36 at blue.

LIBRA: (Set.  24-Okt. 23) Magiging maganda ang reaksyon ng katawan sa gamot na iniinom. Magigipit ka sa isang transaksyong pinasok. Maging matalino sa pagpili ng kaibigan para makaiwas sa kapahamakan. Lucky numbers at color for the day ang 3, 19, 29, 33 at jade green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Madamdamin ang magiging araw mo ngayon. Mababagabag ang iyong konsensiya sa mga maririnig na usap-usapan. Malalampasan mo ang mga ito paglipas ng ilang oras. Magiging masaya pa rin ang buong araw. Lucky numbers at color for the day ang 6, 14, 34, 35 at purple.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Ngayon mo malalaman ang katotohanan tungkol sa iyong love life. Pag-ingatan ang mga maseselang bagay na ikukuwento tungkol sa trabaho o pag-ibig dahil mababansagan kang tsismosa kapag nagkataon. Lucky numbers at color for the day ang 2, 19, 27, 35 at indigo.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magiging maalalahanin ang iyong kasuyo ngayon. Isang regalo o pasalubong ang iaabot sa’yo. Isang surpresa ang naghihintay sa pagdating ng isang matagal na kakilala. Lucky numbers at color for the day ang 1, 9, 17, 40, at lilac.

AQUARIUS: ( Ene. 20-Peb. 18) Malalagay sa alanganin ang inyong samahan kung hindi ka mag-iingat. Magkakaroon ng ilang alitan sa pamilya, ngunit ito ay mabibigyan ng solusyon sa bandang huli. Lucky numbers at color for the day ang 5, 11, 25, 31 at avocado green.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Ngayon mo sasariwain ang mga bagay na ginawa niya ng pabor sa’yo at ang nakalimutang pagpapasalamat ay ngayon mo gagawin. Magi-ging abala sa maraming gawain. Kaaaliwan ang pag-aalaga ng aso. Lucky numbers at color for the day ang 12, 22, 38, 40 at pearl white.

ARIES: ( Mar. 21-Abr. 19) Magdiriwang sa pagdating ng magandang kapalaran. Masayahin ang isang katangian na nagustuhan ng iyong mahal sa’yo, kaya huwag sumimangot kung ayaw mong puamanget ka. Lucky numbers at color for the day ang 2, 8, 26, 37 at magenta.

 

vuukle comment

KUTOB MAYO 18 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with