^

Kutob

Pebrero 17, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Makakabuti ang makinig sa payo. Huwag padala sa bugso ng damdamin. Isang tao na may nunal sa kanang pisngi ang makikilala. Iwasan ang paanyaya ng mga barkada sa mga happenings. Lucky numbers at color for the day ang 9, 15, 29, 39 at white.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Gawin ang lahat nang makakaya para matiyak ang seguridad. Ang matagal nang hinahangad ay maisasakatuparan. Maganda at may suwerte sa pag-ibig. Maligayang romansa ang maaaring maganap na hahantong sa pag-iisang dibdib. Lucky numbers at color for the day ang 9, 24, 29, 32 at avocado green.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Kahit may kabagalan ang pasok ng pera, kung tuluy-tuloy ang pagsisikap ay may kaunlaran. Mag-ingat at magtitimpi sa mga taong mapang-asar at mapagbiro. Ang personal na gawain ay may malaking pakinabang. Lucky numbers at color for the day ang 4, 11, 15, 28 at blue.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magplano sa dapat gawin bago simulan. Iwasan ang maging emosyonal. Kahit ano ang mangyari, panindigan ang sinabi at ginawa. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Iwasan ang maglakbay, lalo na kung tatawid ng dagat. Lucky numbers at color for the day ang 3, 7, 16, 33 at red.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Ang angking enerhiya sa trabaho o gawain ay malakas. Ibuhos ang lahat ng kakayahan dito. Kailangan ang pag-iingat sa pera o alahas habang nasa sasakyan. Iwasan ang tsismis kung ayaw mabaon sa utang. Huwag magpadalus-dalos sa desisyon. Lucky numbers at color for the day ang 7, 11, 25, 38 at nile green.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang career at reputasyon ang mangunguna ngayon. Iwasan ang makipagtalo sa kasamahan sa trabaho, kasambahay o kaibigan. Isang maligayang romansa ang magaganap. Ayusin ang mga schedule nang hindi magkabuhol-buhol ang gawain. Lucky numbers at color for the day ang 1, 7, 33, 39 at crimson red.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Ang kasalukuyang takbo ng negosyo o trabaho ay magbibigay ng matalinong desisyon para sa pagbabago. Iwasang matali sa anumang pangako na hindi kayang tuparin. Magagawa ang pagbabagong hinahangad sa buhay. Ang relasyong pampamilya ay mapagtitibay kung hahangarin. Ipagpaliban ang balak na paglalakbay o pamamasyal. Lucky numbers at color for the day ang 5, 19, 37, 41 at peach.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Makakatanggap ng balita o impormasyon na makapagpapabago sa istilo ng pamumuhay. Magiging masaya ang pamimili o pagsya-shopping dahil sa kasaganahan, subalit makakabuting sundin ang budget. Magkakaroon ng pagbabago ang mga plano. Lucky numbers at color for the day ang 12, 21, 24, 41 at pink.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Unawain at pag-isipan nang mabuti bago lumagda sa kasulatan o mahalagang papeles. Huwag kaagad magtiwala sa mga taong makakaharap. Isang kaibigan na may lihim na galit ang malamang na matuklasan. Lucky numbers at color for the day ang 2, 5, 6, 37 at emerald green.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Ang anumang transaksyon ay magiging tagumpay kung gagawin sa umaga. Ingatan ang makasakit ng damdamin. Matutuklasan ang isang lihim na tagahanga. Iwasan ang magalit. Ang iyong natural na pagka-ismarte ay mapapansin. Lucky numbers at color for the day ang 4, 13, 25, 39 at sky blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Maging maagap. Ang paglilingkod ng tapat ay kailangan sa tungkulin. Patungo sa tagumpay ang nilalandas mo ngayon. Mapapabuti ang kalagayang pinansyal kung patuloy ang pagtitiyaga. Iwasan na magkaroon ng pagtatalo. Iwasan ang gulo. Lucky numbers at color for the day ang 11, 13, 29, 40 at orange.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Magkakaroon ng mahalagang desisyon. Isang kaibigan ang dadalaw. Magiging maganda ang ihip ng hangin kung iiwasan ang makipagtalo. Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo o problema. Hindi dapat talikuran ang mga bagay na sinimulan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 24, 40 at agate green.

vuukle comment

KUTOB PEBRERO 17 2019

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with