^

Kutob

Pebrero 16, 2019

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

AQUARIUS: (Ene. 20-Peb. 18) Maging tapat sa sarili at sa kapwa. Iwasan ang magsinungaling. Iwasan ang maging magagalitin. Magkakaroon ng malakas na disiplina sa sarili. Huwag patagalin ang isang bagay na gustong sabihin, dahil ito ang magbibigay ng suliranin sa kalaunan. May pagkakataon na makabili ng bagay na hindi kailangan. Lucky numbers at color for the day ang 8, 35, 40, 42 at gold yellow.

PISCES: (Peb. 19-Mar. 20) Iwasan ang magpahiram at manghiram ng pera. Iwasan ang maging emosyonal sapagkat ito ang sisira ng magandang araw mo. Ma-ging mahinahon at iwasan ang mapikon at maging magagalitin. Lucky numbers at color for the day ang 7, 26, 31, 40 at ruby red.

ARIES: (Mar. 21-Abr. 19) Ang pagmamadali ay magbubunga ng pagkakamali na dapat iwasan. Ang pagkakamali ay malamang maulit kung hindi mag-iingat. Sikapin na maging maagap sa pagtupad ng gawain. Ugaliin ang mag-ipon para sa magandang kinabukasan. Lucky numbers at color for the day ang 16, 19, 31, 38 at peach.

TAURUS: (Abr. 20-May. 20) Magtiwala sa sariling kakayahan at tiyak magtatagumpay. Magiging suliranin ang mahinang puso o ang problema sa isang kaibigan. Pasalamatan ang anumang biyayang tinatamasa at magbahagi sa na-ngangailangan. Lucky numbers at color for the day ang 1, 12, 32, 40 at green.

GEMINI: (May.21-Hun. 21) Iwasan ang magalit na hindi alam ang mga detalye. Paghandaan ang anumang pagkakataong darating. May bahagi na hindi magi-ging maganda at hindi mapapakinabangan ang ginawa. Lucky numbers at color for the day ang 8, 11, 26, 39 at yellow.

CANCER: (Hun. 22-Hul. 22) Ang aspetong pinansiyal ay siyang makapagpapabago para humanap ng ibang pagkakakitaan. Mag-ingat sa anumang ginagawa para maiwasan ang disgrasya. Maaaring magbunga ng pagkakamali ang pagkamakakalimutin. Lucky numbers at color for the day ang 6, 22, 40, 41 at purple.

LEO: (Hul. 23-Ago. 22) Mag-ingat sa kilos at pana-nalita nang hindi makasakit ng damdamin ng kapwa. Pag-ukulan ng pansin ang pakikisama sa kasambahay at katrabaho. Makakaasa sa tapat na kaibigan na handang tumulong kung kailanganin. Lucky numbers at color for the day ang 15, 19, 35, 38 at red.

VIRGO: (Ago. 23-Set.23) Maging mapamaraan sa pakikitungo sa mga kasamahan sa trabaho at kasambahay. Iwasan  ang mapikon sa panunukso ng ilang kaibigan. Isang mapalad na transaksiyon ang mabubuo. Lucky numbers at color for the day ang 4, 27, 35, 39 at corn yellow.

LIBRA: (Set. 24-Okt. 23) Isang pagsubok ang magaganap na kailangan ang karunungan, talino at pag-iingat mula sa boss o tungkulin. Isang malapit na kamag-anak ang tatawag para humingi ng tulong. Maayos ang takbo ng gawain. Lucky numbers at color for the day ang 12, 13, 27, 42 at violet.

SCORPIO: (Okt. 24-Nob. 22) Huwag itali ang pananagutan sa mahigpit na pa-ngako dahil hindi matutupad. Bigyang halaga ang panig ng iba. Higit mong magugustuhan ang pamamalagi sa bahay. Makakamit ang hangarin. Lucky numbers at color for the day ang 8, 9, 16, 33 at blue.

SAGITTARIUS: (Nob. 23-Dis. 21) Nakasentro ang mga pangyayari sa personal na gawain. May pakinabang sa pinansiyal na aspeto ang dadaluhang sosyalan. Matutupad at maibibigay ang matagal nang naipa-ngako. Lucky numbers at color for the day ang 3, 17, 24, 34 at at jade green.

CAPRICORN: (Dis. 22-Ene. 19) Tanggapin ang pagkakamali kalakip ang paghingi ng paumanhin. Malalantad ang magandang pagkakataon na matagal nang hinahangad. Magiging taliwas sa inaasahan ang mga pangyayaring magaganap. Lucky numbers at color for the day ang 4, 8, 28, 39 at orange.

vuukle comment

PEBRERO 16

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with