Oktubre 31, 2010

Pagtitibay: Ang pinili ko ngayon ay ang kapangyarihan ng positive attitude. Happy Halloween!

SCORPIO (Oktubre 24 - Nobyembre 22) - Gamitin ang tamis ng ngiti dahil ito ang batobalani na makukuha ang sadyang pakay. Bawat taong makausap kung sasabayan ng matamis na ngiti, madaling makukumbinsi. Kabaliktaran ang mangyayari kung magiging tahimik at walang kibo. Lucky numbers at color of the day ay 8, 15, 27, 30 at chocolate brown.

SAGITTARIUS (Nobyembre 23 - Disyembre 21) - Pakinggan ang ipagtatapat ng kasuyo o minamahal tungkol sa kanilang suliranin. Kailangan ng kamay, pag-unawa o tulong ang kaibigan, kasambahay, kamag-anak o kasamahan. Kakambal ng pagmamahal ang karamay sa hirap at ginhawa kaya gampanan ang dapat. Lucky numbers at color of the day ay 8, 16, 24, 32 at canary yellow.

CAPRICORN (Disyembre 22 - Enero 19) - Magkakaroon ng bahagyang pagtu­mal sa negosyo. Magtabi ng pera para may madu­dukot sakaling dumating ang panahon ng kagipitan. Magiging sensitibo ang minamahal kaya hinahon at pasensya ang kailangan. Lucky numbers at color of the day ay 4, 17, 22, 33 at brown.

AQUARIUS (Enero 20 - Pebrero 18) - Ang bagong kakilala ay makakatulong sa negosyo o problema. Ang hinahangad ay nasa tamang landas kung hindi magbago ang pagsisikap. Huwag magpadalos-dalos at patangay sa emosyon dahil walang mangyayari kung ganito ang paraan sa paglutas ng problema. Lucky numbers at color of the day ay 8, 10, 25, 32 at olive green.

PISCES (Pebrero 19 - Marso 20) - Isang tao na malaki ang tampo sa iyo ay malamang kusang lalapit. Kung inaakalang nasa katuwiran, pa­nindigan ang prinsipyo subalit kung inaakalang nagkamali, ang paghingi ng dispensa o paumanhin ay hindi nagpapababa ng pagkatao. Ang bigyan ng leksyon ang taong naka­gawa ng mali ay hindi makatwiran. Lucky numbers at color of the day ay 16, 23, 31, 39 at ocean blue.

ARIES (Marso 21 - Abril 19) - Maaaring maging mabigat ang karamdaman ngayon bunga ng pagpapabaya sa kalusugan. Pakinggan ang paalala ng minamahal. Kung walang karamdaman, magiging masigla at masayahin at maraming magagawa. Lucky numbers at color of the day ay 1, 10, 21, 31 at aquamarine.

TAURUS (Abril 20 - Mayo 20) - Malamang mapasok ka sa isang kasunduan ng hindi napag-isipan at basta na lamang madala sa bugso ng damdamin, ito ang dapat ingatan. Lagdaan lang ang kasunduan kung ganap na nauunawaan ang nakasaad dahil. Maaari kang mapeke o madaya. Lucky numbers at color of the day ay 9, 11, 26, 35 at red orange.

GEMINI (Mayo 21 - Hunyo 21) - Nasa kamay ang kapalaran kung seguridad sa trabaho ang pag-uusapan. Ingatan ang tungkulin ipagkakatiwala dahil bahagi ito ng pagsubok sa kakayahan. Kung pumaltos ka, walang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Lucky numbers at color of the day ay 12, 24, 37, 43 at cream.

CANCER (Hunyo 22 - Hul­yo 22) - Katamtaman ang pasok ng pera subalit limitahan ang labas upang hindi makaranas ng kakapusan sa hinaharap. Unahin ang mga bagay na kaila­ngan ng pamilya upang hindi magsisi. Huwag balewalain ang tampuhan at hanapan agad ng solusyon. Lucky numbers at color of the day ay 3, 14, 28, 36 at peach.

LEO (Hulyo 23 - Agosto 22) - Posibleng malagay sa panganib ang mga ari-arian. Malabong magkapera kung aasa sa sugal o sa hingi. Kailangan ang sikap at tiyaga upang matupad ang pangarap. Tatahakin ang tamang landas kung may pagsisimulan ngayon. Lucky numbers at color of the day ay 4, 9, 18, 25 at blue gray.

VIRGO (Agosto 23 - Set­yembre 23) - Iwasan ang magbigay ng komento upang walang makasagupa at makaaway. May higit na dapat pag-ukulan ng panahon upang guminhawa ang buhay. Bagay maging matahimik ngayon dahil kung madaldal may makakasagupa. Lucky numbers at color of the day ay 2, 17, 29, 34 at royal blue.

LIBRA (Setyembre 24 - Oktubre 23) - May mapapansin kang kakaibang kilos ng mga kasamahan. Makakabuting makipag-usap sa kanila upang magkaunawaan at makapagdulot ng katahimikan sa sarili at mawala ang duda. Lucky numbers at color of the day ay 2, 13, 32, 40 at white.

Show comments