50 pang OFWs mula sa Saudi Arabia, dumating na - OWWA
MANILA, Philippines — Dumating na kahapon sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, ang ikalawang batch ng 50 overseas Filipino workers na naapektuhan ng mga kanselasyon at pagkaantala ng flights sa Riyadh, Saudi Arabia.
Dahil dito, umabot na sa 84 ang kabuuang bilang ng mga OFW na napauwi sa tulong ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW), kabilang ang unang 34 na dumating noong Lunes.
Ayon sa OWWA, bago nakauwi, kinailangan pa ng mga ito na bumiyahe mula sa Al Qassim patungong Riyadh ng tatlo hanggang apat na araw.
Pagdating sa paliparan, kaagad silang nakatanggap ng airport assistance, transportation, temporary accommodation, at domestic flight assistance.
- Latest





















