UP dadalawa sa UST sa 2nd round
MANILA, Philippines — Plano ng University of the Philippines na mauulit ang kanilang tagumpay laban sa University of Santo Tomas sa first round sa salpukan nila sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Nagbalik-tanaw si head coach Goldwin Monteverde sa first round kung saan tinapos ng Fighting Maroons ang two-game losing skid para ilista ang 5-2 record.
Nagising ang UP sa back-to-back losses nila sa National University at Far Eastern University kaya naman nag-umento ang koponan ni Monteverde.
“Lahat naman siguro ng natatalo namin, part na rin ng growth namin iyan. Lahat iyon, for me, good or bad; it’s still a learning experience for the team, which we need naman towards the second round,” sabi ni Monteverde.
Tinalo ng Fighting Maroons ang Growling Tigers, 92-85, sa pagbubukas ng season noong Setyembre 13 at kasalukuyang katabla nila ang Bulldogs sa tuktok ng standings.
Puntirya ng UP ang ikaanim na sunod na Final Four stint, kaya pinaalalahanan ni James Payosing ang kanyang mga teammates sa importansya ng unity at focus sa mga crucial stage ng season.
Kakapitan din ng Fighting Maroons si Nigerian big man Dikachi Ududo na isa sa mga naging susi sa kanilang winning streak at atat na itong makaharap muli ang pambatong sentro ng UST na si Collins Akowe.
- Latest



















