Walang Pinoy na nasaktan sa kaguluhan sa Paris - DFA
MANILA, Philippines — Inihayag nitong Lunes ng Department of Foreign Affairs (DFA) na batay sa pinakahuling ulat ng Philippine Embassy sa Paris at Philippine Consulate General sa Milan ay wala pang naitatalang Pilipinong nasangkot o nasaktan sa nagpapatuloy na mga protesta sa France at Italy.
Nagdulot ang mga demonstrasyon sa France ng sagupaan sa pagitan ng mga pulis at nagpoprotesta, malawakang pagnanakaw at sunog na nagsimula umano ang kaguluhan dahil sa pagtaas ng gastusin sa pamumuhay.
Ito ay kasunod nang ilang linggong protesta ng mga estudyante na anim na buwan bago ang halalan para sa papalit kay French President Emmanuel Macron at tinatayang 1,200 katao ang naaresto at 150 pulis ang nasugatan.
Noon Linggo ay nagbabala si Senador Erwin Tulfo, vice chairman ng Senate Foreign Relations Committee, sa mga Pilipinong manggagawa na mag-ingat sa mararahas na sagupaan sa pagitan ng mga nagpoprotesta at otoridad sa France, partikular sa Paris.
- Latest
















