DOH: Cadmium sa vape, delikado sa kalusugan

MANILA, Philippines — Naglabas ng babala ang Department of Health (DOH) sa publiko laban sa mapanganib na epekto sa kalusugan ng cadmium, na isang nakalalasong kemikal na nadiskubre sa vape aerosols.
Ayon sa DOH, ang cadmium ay isang nakalalasong metal na maaaring makapinsala sa bato at mga buto na ang matagal na exposure ay maaari ring magpataas ng panganib ng kanser.
Natukoy na may cadmium ang ilang aerosol ng vape, kaya hindi dapat balewalain ang panganib nito sa kalusugan.
Bukod sa cadmium, maaaring malanghap ang iba pang nakalalasong kemikal tulad ng benzene, diacetyl at acrolein na maaari ring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan.
Nanawagan din ang ahensiya na suportahan ang buwis na poprotekta sa kalusugan ng mga Pilipino dahil ang bawat piso ng “sin tax” ay may katumbas na buhay na naliligtas, dahil inilalayo nito ang vapes mula sa abot kaya ng mga Pilipino.
- Latest















