^

PSN Palaro

La Salle pinigil agad ng UST

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
La Salle pinigil agad ng UST
Ang reaksyon ni Amiel Acido ng USt matapos pumukol ng tres laban sa La Salle.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Pinigil agad ng University of Sto. Tomas ang rat­sada ng defen­ding champion De La Salle University matapos sakmalin ang 80-75 panalo sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kagabi.

Naging susi sa panalo ng Growling Tigers ang mga kalmadong kamay ni Amiel Acido sa bandang dulo ng labanan upang tulungan makabangon ang koponan mula sa pagkakaluhod nila sa unang laro.

Nirehistro ni 6-foot-3 Aci­do ang 19 points kasama ang 7-of-7 sa free throw upang ilista ang 1-1 karta para sa UST at ipalasap sa La Salle ang unang talo sa dalawang laro.

Nakabawi ang Grow­ling Tigers mula sa ope­ning-night loss kontra University of the Philippines Fighting Maroons, 85-92.

Sa unang laro bu­mida agad ang rookie na si Kie­fer Alas matapos nitong akbayan sa panalo ang Ateneo de Manila University kontra University of the East, 101 - 74.

Nagtala ang point guard na anak ni Ateneo coach Louie Alas ng 24 points, 19 ay kinana sa first half kaya naman hinawakan agad nila ang 17-point lead sa unang dalawang quarters.

May pinaghuhugutan ng lakas ang Blue E­agles kaya ganado silang maglaro, inaalay nila ang kampanya ng koponan nga­yong season sa dalawang teammates na sina Divine Adili at Rene Baterbonia na nalunod sa dagat sa ginawang team-building noong Hunyo 8 sa Dipaculao, Aurora.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with