^

Probinsiya

Tandem nasabat sa checkpoint, arestado sa baril at shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Tandem nasabat sa checkpoint, arestado sa baril at shabu
Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ed” at “Josh,” kapwa residente ng nasabing lugar.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

CAVITE, Philippines — Patung-patong na kaso ang kahaharapin ng dalawang lalaki matapos mahulihan ng hindi lisensyado baril at shabu sa police checkpoint kahapon ng mad­aling araw sa ­Bara­ngay Tulay- B Maragondon Cavite.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Ed” at “Josh,” kapwa residente ng nasabing lugar.

Ayon sa report, alas-3:30 ng madaling araw habang nagsasagawa ng checkpoint ang Maragondon Police sa Maragondon-Magallanes Road nang kanilang parahin ang dalawang suspek na magkaangkas sa motorsiklo. Habang sila ay sinisiyasat, bigla na lamang umanong may inihagis sa madamong bahagi ang backrider, Nang suriin ito ng mga pulis ay tumambad ang isang maiksing baril na kargado ng mga bala na walang kaukulang permit o lisensya.

Hiningan din ng lisenya ng driver at dokumento ng motorsiklo subalit biglang nalaglag mula sa nakaipit sa OR/CR ang isang maliit na plastic sachet na naglalaman umano ng shabu.

Narekober sa mga suspek ang isang caliber 38 revolver na walang serial number at kardado ng 2-bala at isang transparent plastic sachet ng shabu at Honda Click motorcycle.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with