^

Metro

21-anyos, sinilbihan ng 6 warrant of arrest

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
21-anyos, sinilbihan ng 6 warrant of arrest
Sa ulat, alas-11:50 ng umaga ng Agosto 21, 2026, nang isilbi sa lalaking nakatala bilang District Most Wanted Person na sangkot sa limang magkakahiwalay na kaso ng robbery at isang kaso ng carnapping sa loob ng detention facility ng Binangonan MPS.
STAR/File

MANILA, Philippines — Isang 21-anyos na nakakulong na ang sinilbihan pa ng anim na warrants of arrest ng mga tauhan ng Southern Police District–Taguig City Police Station, sa Binangonan Municipal Police Station, sa Rizal, nitong Biyernes.

Sa ulat, alas-11:50 ng umaga ng Agosto 21, 2026, nang isilbi sa lalaking nakatala bilang District Most Wanted Person na sangkot sa limang magkakahiwalay na kaso ng robbery at isang kaso ng carnapping sa loob ng detention facility ng Binangonan MPS.

Hindi naman maaaring pansamantalang makalaya ang akusado dahil bukod sa dalawang bilang ng Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons, isang kaso ng Robbery Hold-Up, at dalawa pang kaso ng robbery sa ilalim ng Revised Penal Code, na nakabinbin sa korte Lipa City, Batangas, Parañaque City, at Antipolo City, na walang inirekomendang piyansa para hiwalay na kaso ng paglabag sa Republic Act No. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016).

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with