Himala: kapatid gumaling sa sakit! (Part 11)
BINILI ko lahat ang mga gamot na nireseta ng doktor sa kapatid kong si Victor para sa kanyang sakit sa puso.
Nang tanungin ko ang babaing teller kung magkano ang mga gamot. Sinabi nitong P5,000.
Kinuha ko ang sobre na binigay ng babae kanina. Kumuha ako ng P5,000. Marami pang natira sa pera dahil makapal pa ito!
Matapos kung bayaran ang gamot ay nagmamadali na akong umalis. Kailangang makainom ng gamot si Victor. Sabi ng doktor, huwag papalya sa pag-inom ng gamot.
Dumaan muna ako sa karinderya at bumili ng kanin at ulam.
Nang dumating ako sa bahay ay nakahiga si Victor.
“Halika Victor kumain na tayo para makainom ka ng gamot.”
“Saan ka kumuha ng pera Ate?”
“Mamaya ko na ikukuwento. Kumain muna tayo.”
Kumain kami.
Habang kumakain, ikinuwento ko kay Victor ang mga nangyari. Namangha si Victor sa ikinuwento ko. (Itutuloy)
- Latest















