^

PSN Opinyon

AYSISI vs ICC?

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Nagpapatawa ang isa kong kaibigan. Aniya, ang pangontra raw ni dating President Duterte para huwag makipagtulungan sa ICC si President Marcos Jr. sa pagsilbi ng warrant of arrest laban sa kanya ay AYSISI.

“Ano ‘yon?” ang tanong ko, at walang gatol na sumagot siya: “kapag tumulong sa pag-aresto kay Duterte si Marcos AYSISI-pa-in siya sa puwesto.”

Muli kasing nanindigan si Marcos na hindi nagbabago ang pananaw niya na may sarili tayong Justice system at walang paki ang International Criminal Court (ICC) sa mga kasong kinasasangkutan ng sinumang mamamayang Pilipino.

Matagal nang naninindigan sa ganyang paniniwala si Marcos Jr. pero hindi pa rin naglulubay ang tangka ni Duterte na siya ay mapatalsik sa puwesto. Bakit?

Kasi, sa totoo lang gusto ng dating Presidente na maupo agad ang kanyang anak na si Vice President Sara kapag natanggal si Marcos sa pamamagitan ng people power. Sa ganyang paraan, hihina ang tsansa ng ICC na siya ay maaresto komo balik sila sa poder.  Walang tiwala si Digong sa salita ni Marcos at maaaring baliin nito ang ipinangako sa anumang paraan.

Kasi, posibleng hindi makipagtulungan ang gobyerno dahil nagbitiw na tayo sa membership sa ICC. Pero papaano kung ang magsisilbi ng arrest warrant ay ang Interpol? Hindi puwedeng isnabin iyan dahil ang Interpol ay isang UN body na may commitment ang Pilipinas na makipagtulungan.

vuukle comment

MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with