^

Probinsiya

Vendor, patay sa pagtatanggol sa ginang vs holdaper

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbuwis ng buhay ang isang vendor na mister matapos pagbabarilin ng isa sa riding-in-tandem na pinaghihinalaang mi­yembro ng robbery/holdup gang nang ipagtanggol nito ang kasamang babae makaraang hablutin ang bag nito ng mga suspek sa Brgy. District 2, Balayan, Batangas nitong Biyernes ng gabi.

Sa report ng CALABARZON Police, kinilala ang biktima na si Ariel Cinko, na binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Don Manuel Lopez Memorial Hospital dahil sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

Batay sa imbestigas­yon, naganap ang insidente sa kahabaan ng Brgy. District 2, Balayan bandang alas-10:50 ng gabi. Kasalukuyang naglalakad ang vendor na si Cinko kasama ang ginang na si Erica Iladia nang biglang sumulpot ang riding-in-tandem suspects.

Pagtapat sa dalawang biktima, agad na sinunggaban ng backrider ang bag ng ginang na agad naman nitong pinalagan kung saan agad na sumaklolo ang nasabing mister at ipinagtanggol ang babaeng kaniyang kasama.

Dahil dito, nairita umano ang suspect kaya agad nitong binaril ang mister saka sila mabilis na tumakas.

Agad namang isinugod si Cinko sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital para malapatan ng lunas pero binawian din ito ng buhay pagkalipas ng ilang oras.

vuukle comment

CRIME

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with