^

PM Sports

Gilas sasagupa sa Finland, Estonia sa pocket tourney

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Gilas sasagupa sa Finland, Estonia sa pocket tourney
Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes.
FIBA

MANILA, Philippines —  Nakalatag na ang bi­gating training camp ng Gilas Pilipinas sa Europe sa Hunyo bilang preparas­yon sa 2023 FIBA World Cup sa Agosto dito sa bansa.

Unang nakalinya sa Gilas ang biyahe sa Estonia para sa isang pocket tournament na tampok din ang Finland national team bilang sariling paghahanda nito sa World Cup.

Nasa Group A ang Gilas kasama ang Italy, Angola at Dominican Republic na sasalang sa Smart Araneta Coliseum habang nasa Group E ang co-host na Japan, Australia at Germany at maglalaro sa Okinawa.

Sasabak din sa trai­ning ang Gilas sa Lithuania at Latvia, ayon kay head coach at program director Chot Reyes sa panayam sa “Power and Play” program kahapon.

Hindi makakalaban ng Gilas ang Lithuania natio­nal team na saktong unavai­lable para sa World Cup preparations din nila pero mapapalaban sa top clubs ng Lithuania at Latvia.

Sa Europe rin nagdaos ng training camp ang Gilas noong 2014 para sa Spain World Cup na nagresulta sa magandang kampanya bagama’t hindi nakapasok sa second round.

Pagkatapos ng biyahe sa Europe ay maglalaro rin ang Gilas sa isang pocket tournament sa China bago umuwi para ipanalisa ang preparasyon.

Kagagaling lang ng Gilas sa matagumpay na pagbawi ng gintong medalya sa 32nd Southeast Asian Games sa Cambodia.

Patikim pa lang iyon dahil mas malaking hamon ang naghihintay sa Gilas sa World Cup sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with