^

PSN Showbiz

Jinkee, sinisingil ng pintor na isang pastor?!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, sinisingil ng pintor na isang pastor?!
Sen. Manny and Jinkee Pacquiao
STAR/ File

Speaking of Take It... Per Minute, Me Ganun! isang pastor  ang dumating sa ‘studio’ (Obra Ni Nanay Gallery) ng digital talk show ng Pilipino Star NGAYON hosted by Nay Lolit Solis, Nay Cristy Fermin and Mr. Fu, si Pastor Gene Leysa na isa ring visual artist kasama ang isa pang pintor na si Joe Florendo.

Dadalaw lang sana siya kay Nay Cristy at para na rin ipakita ang kanyang mga obra.

Pero bigla niyang naalala na may ginawa siyang portrait ng mag-asawang Sen. Manny and Jinkee Pacquiao noong 2016.

Kuwento ni Pastor, pinakita niya ito sa mag-asawa, sa General Santos, at sinabi diumano ni Jinkee na pababayaran niya kay Sen. Manny ng P200,000 - 3X4 feet.

Pero nakailang beses na siyang naningil, pero hindi raw siya binayaran. Basta ang sabi diumano, pababayaran siya kay now Sen. Manny na noon ay congressman pa –hanggang umabot nga ngayong 2021.

Hindi siya galit, gusto lang daw ni Pastor na makuha ang P200K dahil magiging malaking tulong daw ito sa kanilang church.

May mga pinakita pa siyang pictures na kasama ang mag-asawang Pacquiao na andun ang painting.

Bakit ngayon lang uli niya siningil? “Dati kasi nawalan ako ng pag-asa na singilin siya kasi busy siya. Parang kinalimutan ko na lang. Sabi ko ‘pag naalala na lang nilang bayaran ang painting,” aniya sa biglang interview namin.

Si Jinkee raw mismo ang nakaalam na may ginawa siyang portrait nilang mag-asawa nang tanungin ko na baka naman hindi ito aware sa ginawa niya.

Anyway, barya lang ito sa mag-asawang Pacquiao. Baka nga nalimutan lang nila.

Bukas din ang pahinang ito sa anumang paliwanag ng kampo nila tungkol dito.

Samantala, sa TIPMMG pa rin, hawak ang Bibliya, sinabi ni Mr. Jayke Joson na handa siyang sagutin ang mga bantang demanda ng kampo ng dating kaibigan na si Sen. Manny matapos ang kanyang mga expose sa huling laban nito na diumano’y nasa korte na sa Amerika at any moment ay lalabas na ang hatol sa hindi pagtupad sa kontrata ng Pinoy boxing icon sa Paradigm (may related item sa column ni Nay Cristy).

Si Jayke ay kumakandidato ngayon sa partylist ng frontliners.

Samantala, true kaya na diumano’y malaki ang campaign fund ni Karla Estrada kaya pumayag itong kumandidato as partylist nominee?

Binanggit ng source kung magkano at nakakaloka nga. Kung totoo lang naman. Mas malaking ‘di hamak ito sa diumano’y naging talent fee noon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang ikampanya nila ang ang isang hindi pinalad ng presidentiable.

At may chance nga bang makasama sa nuisance candidates ang partylist ni Nora Aunor?

Si Nay Lolit ay pinanindigan na hindi na niya talaga babanggitin ang pa­ngalan ni Alex Gonzaga at maging ang asawa nitong si Mikee Morada matapos nga ang kontrobersiyal niyang column item at IG post tungkol sa pinagdaanang miscarriage ni Alex.

‘Yan at marami pang iba sa siksik, liglig at umaapaw na episode ng TIPMMG kahapon.

Sa mga ‘di nakapanood, maki-Team Replay na sa Facebook page and YouTube Channel ng Pilipino Star NGAYON.

vuukle comment

JOE FLORENDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with