^

PM Sports

Bucks winakasan ang dominasyon ng Raptors

Pang-masa
Bucks winakasan ang dominasyon ng Raptors
Naghanap ng mapapasahan si Bucks’ star Giannis Antetokounmpo.

TORONTO — Matapos ang ilang beses na ka­biguang talunin ang best home team, ang panalo ay matamis para kay Milwaukee Bucks forward Giannis Antetokounmpo.

“We haven’t beaten them in a while, so the win feels a lot better, to be honest with you,” wika ni An­tetokounmpo.

Humakot ang Greek superstar ng team-high na 26 points at 12 rebounds para igiya ang Bucks sa 122-119 overtime win kontra sa Toronto Raptors.

Nagdagdag sina Khris Middleton at Eric Bledsoe ng tig-21 points para sa Milwaukee (33-25) na tinalo ang Toronto sa unang pagkakataon ngayong season.

Nauna nang dinomina ng Raptors ang Bucks sa  15 sa kanilang 17 pagkikita simula noong 2013-14 season.

Binanderahan ni DeMar DeRozan ang Toronto (41-17) mula sa kanyang game-high na 33 points.

Ito ang pang-limang home loss ng Raptors nga­yong season at una sapul noong Enero 26 kung sa­an sila nabigo sa Utah Jazz.

Nagwakas din ang season-high na seven-game winning streak ng Toronto.

“They had a 42-point quarter, and we didn’t play well,” wika ni Raptors guard Kyle Lowry.

Sa Houston, kumamada si James Harden ng 31 points para pamunuan ang Rockets sa pagtatala ng ika-11 sunod na panalo mula sa 120-102 paggupo sa Minnesota Timberwolves.

Nag-ambag si center Clint Capela ng 25 points at 11 rebounds para sa Houston, habang kumolekta si Chris Paul ng 14 points, 10 rebounds at 8 assists.

Nanguna ang Timberwolves sa first half bago umarangkada ang Rockets sa second half para mapanatili ang kanilang NBA best record.

Ito ang pang-11 sunod na home win ng Houston laban sa bisitang Minnesota.

Naglaro ang Rockets na wala si guard Eric Gordon at pinalitan ni P.J. Tucker at nag-ambag ng 11 points sa loob ng 28 minuto.

Binanderahan ni Andrew Wiggins ang Minne­sota mula sa kanyang  21 points kasunod ang tig-18 markers nina Jeff Teague at Karl-Anthony Towns.

Nagkaroon naman si Timberwolves All-Star guard Jimmy Butler ng right knee injury sa third period matapos dumakma ng isang rebound.

Sa New Orleans, humakot si Anthony Davis ng 45 points, 17 rebounds, 5 blocked shots at 5 steals para ihatid ang Pelicans sa 124-123 overtime victory laban sa Miami Heat.

Ito ang ikaapat na sunod na pananaig ng New Orleans.

Tumapos naman si Goran Dragic na may 30 points at nagsalpak si Dwyane Wade ng dalawang runners para ibigay sa Heat abante sa huling 36 se­gundo ng overtime.

vuukle comment

MILWAUKEE BUCKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with