^

Headlines

Ginoyo ni mister

The Philippine Star

Dear Dr. Love,

Isa po ako sa masugid ninyong tagahanga mula sa Hilagang Luzon. Hiwalay po ako sa asawa at mayroon kaming isang anak. Aminado po ako na napikot ko ang mister ko nang pilitin siyang papanagutin sa pagbubuntis ko. Pero bahagi na lamang ito nang nakaraan at naging maayos naman ang aming pagsasama.

Nagbago lang ang lahat ng ayunan ko ang balak niyang mag-abroad dahil na rin sa pag-ayuda ng uncle ko na siyang pansamantalang tutuluyan niya habang naghahanap pa ng mapapasukan sa Amerika.

Sa kalaunan ay kinumbinsi nila ako na ipa-annul ang kasal namin ng aking mister para makapagpakasal siya sa isang citizen na “bride for hire.” At sa sandaling maging legal na ang paninirahan ng mister ko sa US ay saka niya ito ididiborsiyo.

Pero nagtapos ang lahat sa tuluyang pagsasaisantabi sa orihinal na plano dahil napamahal na raw sa asawa ko ang pinakasalan niya at nagdadalantao na ito. Sinakop ako ng matin­ding galit, Dr. Love dahil nagoyo niya ako. Pero hindi ako maghahabol para sa sarili, kundi sustento lamang para sa aming anak. Balak niyang ipitisyon ang aming anak.

Hanggang dito na lang po at sana’y lumawig pa ang inyong column. Mabuhay po kayo.

Sincerely yours,

Liza

 

Dear Liza,

Ikinalulungkot ko ang kinahantungan ng iyong pamilya. Pero gayon pa man, manatili ka sanang positibo para sa buhay ninyong mag-ina. Pakawalan mo na ang sarili sa matinding galit na idinulot ng ika mo’y panggogoyo ng iyong mister.

Tungkol naman sa balak niyang pagpitisyon sa inyong anak, pag-isipan mo itong mabuti. Dahil hindi malayong pati anak mo ay mawalay ng tuluyan sa iyo.

Maging maingat ka at ipakita mo na maga­gawa mo na maibangon ang sarili sa tinamong kabiguan sa asawa.

Regards at thank you for your letter.

Dr. Love  

 

Para sa mga nagnanais na lumiham kay Dr. Love, ipadala ito sa DR. LOVE c/o NGAYON Libangan Section 202 Roberto S. Oca corner Railroad Sts. Port Area Manila. Mag-email sa [email protected] Maaari nang ma­pa­nood ang pagpapayo ni Dr. Love, bisitahin ang DR. LOVE WEBISODE sa philstar.com.

vuukle comment

AKO

AREA MANILA

DEAR LIZA

DR. LOVE

HILAGANG LUZON

LIBANGAN SECTION

LOVE

PERO

RAILROAD STS

ROBERTO S

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with