Marian at Dingdong busy sa pagsa-shopping sa Paris
Fresh from Paris ang kuwento na ipinadala sa akin ni Mirf Fup ([email protected]) tungkol sa chance encounter niya kina Marian Rivera at Dingdong Dantes.
Tuwang-tuwa si Mirf dahil sa dami ng tao sa Paris, sina Marian at Dingdong ang kanyang nakita. Ito ang kuwento niya tungkol sa magdyowa na mala-Lovers In Paris ang drama :
“Nagtu-tour ako dito sa Paris nang aksidente kong nakita sina Dingdong Dantes and Marian Rivera... Nagulat nga ako, of all places, sa Paris ko sila nakita..
“Nagsa-shopping sila sa Louis Vuitton, sa sosyal na lugar, Champs-Elysees branch. Binati ko si Dingdong na mukhang nagulat pero nag-hello naman siya habang busy naman si Marian sa pagsusukat ng shoes.
“Hindi na ako nagpa-picture kahit may dala akong camera kasi nakakahiya dahil nasa super- sosyal na lugar ako. ‘Yun lang. Sana maisulat mo ito sa PSN o mabanggit mo sa Startalk. Abangan ko ha?”
* * *
I’m sure, hindi tunay na pangalan ang ginamit ni Mirf pero kung ang kanyang real name ang ginamit niya, babatiin at pasasalamatan ko siya dito sa PSN at sa Startalk bilang pasasalamat sa balita na ipinarating niya sa akin.
Totoo ang kuwento ni Mirf dahil nagpunta sa Paris sina Dingdong at Marian. Dumalaw din sila sa tatay ni Marian na nakatira sa Spain. Siguradong maraming kuwento ang dalawa sa pagbabalik nila sa Pilipinas, lalupa’t pareho nilang first time sa Europe.
* * *
Marami ang nagpapadala ng showbiz news sa aking e-mail ([email protected] ) pero maingat ako sa pagpili ng mga ilalabas na kuwento dahil hindi ko pinangarap na mabiktima ako.
In fairness, mga totoo ang mga showbiz news na natatanggap ko mula sa matitinong tao kaya naman may-I-greet ko sila bilang premyo sa kanilang effort. Thank you, thank you sa lahat ng mga tumatangkilik sa PSN.
* * *
Nag-promise si Aster Amoyo na magpapadala siya sa Startalk ng video ng pagkikita nila ni Nora Aunor sa Japan.
Ewan ko lang kung kasama sa video ang pag-aayos ng mga Japanese doctor sa mukha ni Nora.
Fifty-six years old na si Nora at first time niya na magpapaayos ng mukha na kailangan ng isang artista na katulad niya. Masuwerte si Nora dahil maganda ang hugis ng kanyang ilong. Baka turukan lang ng botox ang kanyang face para mawala ang mga gatla sa noo niya at minimal surgery sa paligid ng kanyang mga mata para mag-goodbye ang crows feet.
O ‘di ba, para na rin akong doktor? ‘Yan ang napapala ko sa madalas na pakikipagkuwentuhan kay Dra. Victoria Belo at sa ibang mga artista na addict sa pagpapaganda para mapigilan o bumagal ang kanilang pagtanda.
* * *
Isa lang ang ipinakiusap ni Nora sa Japanese doctors na mag-aayos sa kanyang face, ang huwag galawin ang expressive eyes niya.
Ang expressive eyes ang puhunan ni Nora sa pag-arte at nagbigay sa kanya ng mga acting award kaya never niyang ipagagalaw ‘yon sa mga doktor. Siyempre, excited na ang fans ni Nora na makita ang changes sa physical appearance ng kanilang iniidolong aktres!
- Latest
- Trending


























