Ex ni Vina ang mapapangasawa ni Angela
Marami ang natuwa nang malaman na maghu-host ang magandang misis ni Dudut Jaworski na si Mikee Cojuangco sa loob ng thirteen weeks o isang season sa programang All About You ng GMA-7 na sinimulan ni Lucy Torres-Gomez at sinundan ni Dawn Zulueta-Lagdameo.
Simula sa linggong darating, Agosto 17, alas-11 ng umaga, mapapanood si Mikee sa pagsisimula ng ikatlong season ng All About You na napapanood tuwing linggo ng umaga. Hindi nito ikinakaila na pinanonood na niya ang programa sa simula pa lamang nito na si Lucy ang host dahil marami umano siyang napupulot na ideas pero never umano niyang inisip na mabibigyan din siya ng pagkakataon na i-host ang programa.
Aminado si Mikee na unang chance niyang mag-host ng programa at excited siya rito dahil puwede rin siyang mag-share ng sarili niyang ideas. Magpapakilala rin ang program ng mga bagong segments tulad ng "Your Career," "Your Health," "Your Money" at "Your Being".
Ngayong babalikan ni Mikee ang telebisyon, kasunod na rin kaya ito sa paggawa niyang muli ng pelikula?
|
|
Sa ngayon, tatlong celebrity couples na ang kumpirmadong magpapakasal sa buwan ng Disyembre – ang matagal nang magkasintahang Julius Babao at Tintin Bersola na gaganapin sa Disyembre 8 sa Antipolo, Rizal; si Eula Valdez at ang non-showbiz boyfriend nito sa December 27 sa Boracay at ang seksing aktres na si Angela Velez sa dating kasintahan ni Vina Morales na si Roy Ofek na gaganapin naman sa Los Angeles, California kung saan naka-base ang young foreign businessman.
Sa pagpasok ni Angela sa bagong kabanata ng kanyang buhay, nakatakda niyang talikuran ang showbiz na kanyang kinamulatan at minahal alang-alang sa magiging bago niyang papel bilang buhay may asawa.
|
|
Sabay naming pinanood ang magkahiwalay na programa ng ABS-CBN at GMA, ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos at ang Magpakailanman ni Mel Tiangco nung nakaraang Huwebes (Agosto 8).
Buhay ng isang di kilalang teacher (Monica Sison) ang binigyang-buhay ni Nora Aunor sa Magpakailanman habang buhay naman ng dating sexy star na si Sarsi Emmanuel ang ginampanan naman ni Aubrey Miles sa Maalaala Mo Kaya.
Kung tutuusin, maganda ang material ng Magpakailanman at ang superstar na si Nora Aunor pa ang gumanap (in her very rare TV appearance), pero may nakita kaming flaws sa program. Ang edge naman ng The Sarsi Emmanuel Story ay kilala ang character na binibigyang-buhay ng programa at very colorful ang naging buhay ng dating sexy star. Sayang nga lang at hindi na rin nalahad dito na hindi siya nakakabayad ng renta sa kanyang inuupahang kuwarto somewhere in Quezon City at dahil dito, tinanggalan siya ng hagdan ng kanyang landlord para hindi siya makababa. Ganunpaman, mas naging interesado sa kanyang buhay ang mga manonood kesa sa buhay ni Teacher Monica Sison.
Ang isa pa naming napansin ay ang pagkakasama ni Sunshine Dizon sa nasabing episode bilang isa sa mga estudyante ni Guy (Teacher Monica) sa liblib na lugar ng Negros. Although hindi namin kinukuwestyon ang husay ni Sunshine sa pag-arte, kinalimutan ng produksyon ng Magpakailanman na gamitan man lamang ng wig si Sunshine para magmukha itong ‘barriotic’ o probinsyana para mabigyan niya ng hustisya ang kanyang ginampanang papel na isang mangmang na nagnanais na matutong sumulat at magbasa sa tulong ni Teacher Monica na napadpad sa kanilang lugar. Kahit naka-duster si Sunshine at naka-damit pam-probinsya, napaka-moderno ng kanyang hair-cut bagay na hindi umakma sa role na kanyang ginampanan.
Samantala, sa darating na Huwebes, Agosto 14, muling magsasalpukan ang MMK at Magpakailanman dahil buhay ng award-winning actor na si Jay Manalo ang bibigyang-buhay ng MMK habang ang buhay ng dating bold star na si Lala Montelibano naman ang ipi-feature ng Magpakailanman. Alin kaya sa dalawang magkahiwalay na episode ang mas papaboran ng mga manonood. Abangan!
|
|
Email:
- Latest
- Trending
























