Pee.. nina WilBea, pumalo sa takilya!

May lumabas na press release na umabot daw ng P23 million ang kinita ng pelikulang Pee Mak na pinagbidahan ng WilBea loveteam nina Wilbert Ross at Bea Binene.
Sabi sa balita, mula Oct. 14 hanggang 18 ay umabot daw sa ganu’ng halaga ang box office returns.
Ni-repost pa nga ito ni Wilbert sa kanyang X account na may caption na “Owww? Legit ba?”
Nakasaad kasi dun na mula Oct. 14 hanggang 18 ay naka-P23M na raw ang kinita nito sa takilya.
Sa loob ng ilang araw na ‘yun ay itong Pee Mak ang nangunguna sa mga pelikulang ipinalabas.
Pero sa totoo lang, mas malaki pa roon ang nakuha ng aming source.
As of Monday, Oct. 19, ay kumita raw ng P32M ang nasabing pelikula ng WilBea. Bukod sa Pee Mak, nakasaad pa roon ang ibang mga pelikulang nag-showing nung linggong ‘yun at kung magkano ang kinita.
Naglabas pa nga ng press release ang Star Cinema na mahigit P100M na raw ang kinita ng Always Yours, Never Mine ng JoshLia at nung nakaraang linggo ay naka-P14.2M pa ito.
Ang nakasabay ng Pee Mak na 2 Valid IDs ni Pokwang ay naka-P8.3M pa raw ito.
Sa totoo lang, okay na ‘yun dahil hindi pa nga ito naka-P1M nung unang araw ng showing, pero um-okay pa rin naman pala sa mga sumunod na araw at umabot pa ng mahigit P8M.
Ibig sabihin, medyo umo-okay na ang local films na ilang taon nang hilahod pa ito sa takilya. Kapag maganda ang pelikula at maayos siguro ang promo, papanoorin ito.
Nakakalamang lang itong Pee Mak ng WilBea dahil talagang sinusuportahan ito ng fans. Maraming block screenings kaya na-maintain talagang mataas.
Kaya sabi ng aming reliable source, ang tantiya nila ay baka umabot pa ito ng P60M.
Kaya bentang-benta na ang WilBea loveteam at inaabangan kung ano ang isusunod na project na gagawin ng Viva.
Tinanong nga namin ang dalawa kung possible kayang magka-concert din silang dalawa o susundan uli ng isa pang pelikula. Ani Bea, “I think it all boils down to the management’s decision.
“Siguro the fact na they gave this project to us, that means pinagkakatiwalaan po kami at nagpapasalamat po talaga kami dun.”
Tumatango naman si Wilbert Ross na umaayon sa sinabi ni Bea Binene.
Congratulations sa kanilang dalawa, lalo na kay Bea na talagang nanumbalik ang sigla ng showbiz career pagkatapos niyang umalis sa GMA 7.
Mommy... nina Marjo, nasa top 10 ng Netflix
Marami ang nag-abang kung maganda ba ang ratings ng mga programang nagsimula noong Lunes. Inaabangan ang Mommy Guard sa TV5 ng MarJo tandem nina Marvin Agustin at Jolina Magdangal.
Naunang nag-stream ito sa Netflix, at sumampa na ito sa top 10 trending TV shows in the Philippines.
Nung una ay nasa number 8, at as of yesterday nasa number 6 na siya.
Pataas nang pataas at puwede pang tumaas kung magugustuhan ng mga manonood ang mga susunod na episodes.
Pawang magaganda ang comments na natatanggap nila. Hindi lang ang pagiging kuwela ng serye ang nagustuhan ng mga nakapanood kundi pati ang quality nito na mala-pelikula.
Mga positive feedback na naipo-post sa YouTube, Reddit at sa social media.
- Latest
























