Dingdong Dantes thanks VP Leni office for helping family recover from COVID-19

Dingdong and Marian Dantes and their kids
Dingdong Dantes via Instagram

MANILA, Philippines —  Kapuso actor Dingdong Dantes revealed his family's bout with COVID-19. 

The actor shared that January 23 was the last day of their 10-day quarantine in a Facebook video. Dantes is married to actress Marian Rivera, who he shares his kids with: Zia, 6, and Jose Sixto, 2. Dingdong said that they first felt the symptoms days after receiving their booster shots.     

"Pagkatapos ng ilang araw, napansin namin na marami nang hindi maganda ang pakiramdam sa kapaligiran namin, sa mga kapitbahay namin, sa bahay ng mga kamag-anak namin, sa mga magulang namin. Halos lahat ng mga kakilala namin merong positive case sa bahay, hanggang sa halos lahat kami dito sa bahay nilagnat, nagkaroon ng sintomas kaya inisip namin, naku, mukhang eto na 'yun," Dingdong said.    

"Mukhang nasama na kami sa surge kaya nag-test kami at 'yun na nga, nag-positive kami sa COVID," shared Dingdong.  

He noted they have no idea where they got the virus, but went ahead with self-isolation right away.     

"Well, sa totoo lang, hindi namin alam kung saan at papaano kami nahawa, pero mabuti na lang hanggang mild lang ang naging sintomas namin at nakakuha pa kami ng booster shot bago mahawa. Hindi lang ako — pati 'yung mga kasamahan ko sa bahay. Sila, matagal nang nakakuha ng booster shot kaya talagang protektado mga katawan namin. Nu'ng malaman namin na meron kami, ginawa namin 'yung mga dapat gawin," he added.     

He shared that they found the ordeal challenging. 

"Naging mahirap para sa amin, since lahat kami nagkaroon nang sabay-sabay, naging mahirap 'yung mobility para sa amin," he admitted.

"Naging mahirap 'yung movements lalo na sa pagbili ng gamot, sa paghanda ng pagkain, pagbili ng pagkain, and masasabi ko, nalampasan namin ito dahil sa tulong ng maraming tao, lalo na ng mga tao na malalapit sa amin, katulad ng nanay ko."  

He added, "Nag-quarantine kaming magkakasama sa bahay, uminom ng gamot, siyempre, at kumain ng mga sapat na pagkain para mapanatiling malusog 'yung katawan habang nilalabanan ang virus." 

Dingdong then gave a shoutout to his mother.

"Special shout out sa’yo, Mommy, dahil siyempre, nagpadala siya ng mga pagkain na paborito ko, paborito namin."

Apart from his family and friends, Dantes also expressed his gratitude to the Office of the Vice President, which sent them a care kit. He noted how the kit was a big help for their family, and to those who are experiencing the same situation.

“Isa rin sa mga mahalagang natanggap namin ay ‘yung COVID care package ng Office of the Vice President, so napakalaking bagay no'n dahil naglalaman ng kumpletong mga gamit na kinakailangan ng isang COVID-positive patient,” he said.

Dingdong Dantes and Marian Rivera have been married for eight years. 

RELATED: Marian Rivera thanks 'water boy' Dingdong Dantes for Miss Universe all-out support

Show comments