Hawaan ng COVID-19 sa Pinas bumilis
MANILA, Philippines — Pumalo sa 1.41 ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa o ang bilis ng hawahan ng virus dulot ng mataas na banta ng Delta variant.
Ayon sa OCTA Research Group, nitong August 12, ang reproduction number ay pumalo sa 1.41 at umaabot naman sa 1.76 sa Metro Manila.
Noong August 10 ay 1.33 samantalang sa Metro Manila ay 1.79 o may bahagyang pagbaba sa kalakhang Maynila.
Sa QC ay nakapagtala ng bagong kaso ng virus na 467 mula August 5 hanggang 11, sinundan ito ng Maynila, 304 cases; Cebu City, 275; Makati, 195 at Davao City, 175.
Ang MM ay nasa ilalim ng ECQ mula August 6-20 at pinag-aaralan na ng Department of Health kung ie-extend.
Ang ibang lugar na nasa ECQ ay ang Laguna, Cagayan de Oro, at Iloilo City mula August 6-15; Bataan mula August 8-22 at Tuguegarao ay August 12-21.
Related video:
- Latest