‘Lisieux… Chateau… Awooo!’

Ang Poet N’yo with Eileen, Jocas, Jako and Jio and the Chateau d’ Artigny, an 18th century-style chateau located in the heart of the Loire Valley. Kita n’yo naman walang katao-tao! Ngek!

Bago pumasok Chinese New Year nung Pebrero,

Lumipad kami at sa Paris, France patungo!

From there higit DALAWANG DAANG kilometro…

Hapunan na nang dumating kami sa LISIEUX!

 

So after mag-Kong Hei Fat Choi sa eroplano,

Pag-landing sa Charles de Gaulle napa-merci beaucoup!

Nadagdagan pa ng mga bonsoir at bonjour,

Sa viaje na ito kami ay peregrino!

 

Yes, pilgrimage ang ipinunta namin dito

Pagkat pagkatapos ng Saint Therese of Lisieux,

Sa Our Lady of Lourdes kami ay didiretso,

Sa lugar naman ni Saint Bernadette Soubirous!

 

Actually pagbisita ko na ‘tong pangatlo!

At pang-apat na nga ni Eileen na misis ko!

Second time ni Jocas at nais lamang nito

Samahan “first time” brothers n’ya — Jako and Jio!

 

Bubunuin namin sana mula sa Lisieux

Papunta sa Lourdes sa oras mga WALO!

Ang layo’y higit WALONG DAANG kilometro!

Kung kaya tumigil muna sa isang chateau!

 

Chateau d’ Artigny sa may Montbazon ito,

Tila si Napoleon tumira pa rito!

Tipong alam n’yo na ang ibig sabihin ko —

‘Yun bang ‘di ka mag-iisang matulog dito!

 

Ngek! Buti na lang adjoining rooms aming kwarto!

At dahil pagod lahat agad kami’y K.O.!

Akalaing sa laki n’yang waring palasyo,

Napansin ko lang na para bang walang tao!

 

Pagsilip ng araw nagising na rin ako,

Pagsilip sa labas kulang na lang magyelo!

Mukhang napakalamig… ang fog ay very low!

Masarap magkape so to breakfast hall we go!

 

Isang matandang waiter na naka-tuxedo,

Nag-iisang naghihintay… sya’y payat at kalbo!

S’ya rin nagluto ng itlog na pinirito!

Napansin ko rin kami lang nandun ng wife ko!

 

Masyado lamang kaming maaga siguro —

‘Yun na lang ang dahilang pumasok sa ulo!

Habang malalaking paintings tinitingnan ko,

‘Yung mga tao dun parang looking din sa ‘yo!

 

May kalumaan na ang chateau sa totoo!

Marami nang nag-party rung sikat na tao!

Nearly the whole place naka-alpombra nang todo!

Chandeliers o aranya antigong-antigo!

 

After breakfast sa old waiter nag-merci beaucoup,

‘Di nakatiis, “No other guests?” follow up ko,

Sa mahinang tinig natanggap naming info —

Sa buong chateau KAMI LANG TALAGA TAO!

Show comments