^

Dr. Love

Mas busy sa motor kaysa kay Misis

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Ako po si Meliah. Naiinis ako sa mister ko. Wala ng ginawa kundi pagandahin ang motor niya.

Hindi ko tuloy alam baka mamaya may pinopormahan na siyang iba.

Pero naiisip ko naman na mas mainam na rin motor ang inaatupag niya kaysa sa bisyo niya ginagastos ang pera niya.

Minsan naiinis ako dahil pati si kumpare nang-aasar, mabuti pa raw ang motor laging nahihimas, laging kasama at laging bagong ligo.

Akong si misis hindi naaasikaso at naipagpapalit sa motor.

Nawawala lang ang galit ko kapag sinasabi ng mister ko na si misis naman ang laging angkas niya.

Medyo may extrang income si mister kaya may naipanggagastos sa motor.  Hindi na nga raw siya bumili ng bago kaya pinagaganda na lang niya ang motor niya.

Napapansin ko lang kasi na masyado siyang busy sa motor niya.

Meliah

Dear Meliah,

‘Yun naman pala, pinagaganda na lang ni mister ang motor niya para makatipid kayo kaysa bumili ng bago. Ok lang naman’ yun. Mapapansin mo naman kung may ibang babae ang mister mo.  Kung wala naman, hayaan mo lang munang i-enjoy niya ang pagkukumpuni ng motor.

Para rin naman daw sa iyo. Mainam na pakiusapan mo si kumpare ninyo na tigilan na ang pang-aasar.

Kung hindi mo kaya, sabihan mo ang mister mo.

Mainam na maliwanag sa kumpare ninyo na hindi tama ang kanyang ginagawa.

Baka naman kailangan mo ring mag-upgrade, este magpaganda ng konti para mabaling uli sa iyo ang atensyon ni mister.

Ipakita mong mas sasaya siya sa maganda niyang misis. Try mo! I’m sure iiwanan niya ang motor. Kapag si misis na ang bagong ligo.

DR. LOVE

vuukle comment

MISTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with