Mister biglang nakikipaghiwalay

Dear Dr. Love,

Nabigla ako sa hindi ko inaasahang pagsasabi sa akin ng aking asawa na gusto na niya akong hiwalayan. Wala kasi akong maisip na dahilan dahil normal naman ang aming pagsasama. Ni hindi kami nag-aaway.

Ako po si Timi, 28 anyos at ten years na kaming kasal  ni  Boysie.  Ni hindi ko man lang siya kinakitaan ng panlalamig sa akin. Very sweet kami ng asawa ko at maraming naiinggit sa tamis ng aming pagmamahalan.

Nagkabalikan daw sila ng kanyang ex-girlfriend at nagpasya silang magsama. Hindi ko alam kung paano ako magre-react. Galit ang naramdaman ko sa aking puso. Ni hindi ko alam na may ex siya.

Pero parang sa tingin ko ay may mas malalim siyang dahilan kung bakit gusto niya akong hiwalayan. Mayroon kaya siyang inililihim sa akin?

Gulung-gulo ang isip ko. Isipin mo naman na sa loob ng maraming taong matamis na pagsasama, bigla na lang hihiwalayan niya ako? Ano ang gagawin ko?

Timi

Dear Timi,

Mahirap paniwalaan na sa kabila ng pagiging very sweet ninyo sa isa’t isa ay biglang makikipaghiwalay sa iyo ang iyong mister. Baka ang tinutukoy niyang other woman ay isa lang alibi at may iba siyang dahilan na ayaw niyang malaman mo.

Tanungin mo siyang mabuti at himuking magtapat sa iyo.

Puwede ring may nabalitaan siyang tsismis na hindi maganda tungkol sa iyo. Kung magkagayon, dapat siyang magtapat sa tunay na dahilan sa kagustuhan niyang makipaghiwalay. Hindi makatarungang iiwanan ka lang niya ng hindi nakakapagpaliwanag.

Ngayon, kung tala-gang ang dahilan ay “a-nother woman” nararapat lamang na ipagsakdal mo siya ng pag-abandona sa kanyang pamilya at pakikiapid dahil siya na ang nasabi na may ibang babae siya.

Dr. Love

Show comments