^

Dr. Love

Driver na, lover pa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Riza, 30-anyos at may asawa. Isa akong government employee at ang mister ko ay driver ng isang mayamang negosyanteng babae.

Kahit driver lang siya ay malaki ang kinikita niya dahil mayaman ang kanyang amo. Pati mga kasuotan niya tulad ng pantalon, shirt at sapatos, pati pabango ay sinu-supply ng amo niya sa kanya.

Dahil dito’y naghinala na ako na may relasyon sila. Nung unang tanungin ko siya, pinabulaanan niya ito. Pero totoo pala. Sa kapipilit ay umamin siya. Pero sabi niya, para raw sa amin ang ginagawa niya. Naiyak ako.

Pero kalaunan ay naisip ko na tama siya dahil maliit ang suweldo ko sa gobyerno. Siya naman ay talagang walang mataas na pinag-aralan kundi third year high school.

Madalas ay isang linggo siyang wala sa piling ko dahil ang amo niya ang kasama niya.

Tama ba ang pagkunsinti ko?

Riza

Dear Riza,

Tama ba ang pagkunsinti mo? Mali. Parang lumalabas na call boy ang asawa mo na nagbebenta ng sarili para may ipakain sa kanyang pamilya.

Kahit trabahong hindi kalakihan ang sahod ay  puwede naman niyang pasukan basta’t disente at walang maipipintas sa kanyang pagkatao.

Kahit lalaki siya, magpahayag ka ng pagtutol sa kanyang maling ginagawa.

Dr. Love

vuukle comment

ANG

DAHIL

DEAR RIZA

DR. LOVE

ISA

KAHIT

NIYA

PERO

RIZA

STRONG

TAMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with