^

Dr. Love

Mahilig magpalibre

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Magdadalawang taon na kami ng boyfriend ko ngayong buwan. Wala naman kaming issue sa pagkakaroon ng dishonesty sa bawat isa, nga lang ang isang naoobserbahan ko sa kanya ay mahilig siyang magpalibre.

Alam ko naman po na hindi siya anak ng mayaman, dahil pareho lang kami lumaki sa tarima o isang maliit na squatters area sa a­ming lugar. Kaya pareho kaming aware sa klase ng buhay na mayroon ang isa’t isa.

Pero kapwa na kami nakatapos ng kole­hiyo at may kani-kaniya nang trabaho. Ang hindi ko lang ma-gets kay Arnold ay madalas kapag kami ay lumalabas ay puro ako na lang ang nanlilimbre sa kanya.

May time naman na sa palagay ko ay okey lang na manlibre, pero mag-aapat na buwan nang sunud-sunod na ako ang taya. Parang hindi na po yata tama ‘yun, lalo na’t siya ang lalaki.

Inoobserbahan ko lang po kung tatamaan siya kahit ng kaunting hiya, pero wala talaga, Dr. Love. Sa palagay n’yo po ba sincere ang lala­king gaya niya?

Aabangan ko po ang mahalagang payo ninyo. Merry Christmas and Happy New Year po!

Leng

Dear Leng,

Tama ka na alangan sa isang lalaki ang mami­hasa sa libre ng kanyang girlfriend. Pero sa palagay ko ang dapat mangyari ay kausapin mo ang boyfriend mo. Posible kasing isipin niya na okey lang naman sa’yo, kaya ganon.

Pero kung sakaling mag-alangan kang i-open ito, daanin mo sa biro, na “gusto mo namang matikman ang libre na galing sa bonus niya,” mga ganon hirit.

Mas maganda kasi, gaano man kaliit na bagay ay mapag-usapan para maiwasang lumaki at mauwi sa tampuhan. Tutal nasa iyo ang pang-unawa, ikaw na ang mag-initiate ng conversation sa pagitan ninyo ng boyfriend mo.

Anong malay mo, bago mag-New Year ay magbago siya at magyaya na siya naman ang taya.

Happy New Year, too at goodluck sa inyo ng boyfriend mo.

Dr. Love

vuukle comment

AABANGAN

ACIRC

ANG

DEAR LENG

DR. LOVE

HAPPY NEW YEAR

LANG

MERRY CHRISTMAS AND HAPPY NEW YEAR

NEW YEAR

PERO

STRONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with