^

Dr. Love

Nililigawan ng may-asawa

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Happy Easter to you. Tawagin mo na lang akong Blanca, 19 years old and getting 20 on June.

Nasa huling taon na ako ng aking pag-aaral sa computer science and I am confused. Nililigawan ako ng aking professor na may asawa.

Aaminin kong crush ko ang prof ko na ito dahil matangkad, guwapo at gentleman.

Pero hanggang crush lang ako dahil batid kong masama ang makipagrelasyon sa may asawa.

Palagi niya akong pinadadalhan ng mga roses sa bahay at niyayaya niya akong kumain sa labas. Tumatanggi ako pero kung minsan gusto kong pagbigyan.

Ano ang gagawin ko?

Blanca

Dear Blanca,

Baka naman ipinahalata mo sa prof mo na may gusto ka sa kanya kaya he is taking advantage now? As you said, may asawa na siya kaya hindi dapat patulan.

Panindigan mo ang sinabi mong iyan. Layuan mo siya at kung kukulitin ka niya, diretsahin mo siya na hindi ka papatol sa may-asawa kahit kailan.

Dr. Love

 

             

vuukle comment

AAMININ

ANO

DEAR BLANCA

DR. LOVE

HAPPY EASTER

LAYUAN

NILILIGAWAN

PALAGI

PANINDIGAN

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with