^

Dr. Love

Lahing pikutin

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

My warmest greetings to you. Tawagin mo na lang akong Carlo. Hindi sa pagyayabang ay may itsura ako. Matipuno ang katawan, 5’9 ang taas  at sabi nila “lahing pikutin.”

Tulungan mo sana ako sa aking problema. Mayroon akong apat na girlfriend at wala akong itulak kabigin sa kanila. Isa pa, lahat sila’y patay na patay sa akin.

Natatakot ako na kung makipaghiwalay ako sa sino man sa kanila ay baka mag-suicide.

Gulung-gulo ang isip ko dahil lahat sila’y kapit-tuko sa akin. Pero napapagod na ako at gusto ko nang mabuhay ng matahimik.

Nasa 26-anyos na kasi ako at gusto ko nang mag-asawa. Papaano kong pipiliin ang isa sa kanila?

Carlo

Dear Carlo,

Alam mo, sa tingin ko’y mayabang ka. Ikaw ang pumasok sa ganyang problema kaya ikaw ang humanap ng solusyon kung totoo man ang sinasabi mo.

Ang ginagawa mong pangongolekta ng babae ay nagpapakita na wala kang pitagan sa kababaihan at parang ginagawa mo silang laruan­. Ngayon sasabihin mong nahihirapan kang mamili?

Isa pa, hindi ko kilala ang mga sinasabi mong girlfriends mo kaya paano ako pipili para sa iyo?

Timbangin mo kung sino sa kanila ang may pinakamagandang katangian at ‘yun ang piliin mo.

Kung pare-pareho silang maganda ang katangian, imbitahan mo silang apat at ipa-raffle mo ang sarili mo.

O ano? Okay ba?

Dr. Love

vuukle comment

AKO

ALAM

DEAR CARLO

DR. LOVE

GULUNG

IKAW

ISA

MATIPUNO

MAYROON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with