^

Dr. Love

May aids ba ako?

Pilipino Star Ngayon

Dear Dr. Love,

Please hide me under the pseudonym Carlo. Tatapatin kita, isa akong  call boy dahil iyan lang ang tanging trabahong alam ko.

Ngunit may isang buwan na akong hindi nagtatrabaho dahil lagi akong may sakit. Hindi mawala-wala ang aking ubo at lagnat.

Kung anu-ano nang antibiotics ang iniinom ko pero hindi tumatalab.

Hanggang sa payuhan ako ng isang close friend na magpa-aids test.

Kasi raw, ang sintomas ng aids ay pagiging masasakitin dahil nasisira ang immune system ng tao.

Pero natatakot ako. Baka kung malaman kong may ganyang sakit ako ay masiraan ako ng bait o magpakamatay.

Ano ang dapat kong gawin?

Carlo

Dear Carlo,

Kung may ganyan kang sakit, magpasuri ka man sa doktor o hindi ay hindi mawawala ang sakit mo.

Pinakamabuti nga na magpatingin ka at baka naman nagkakamali ka ng hinala eh ‘di magkakaroon ka ng peace of mind.

At kung lumabas na positive ka sa karam­daman, mayroon namang maiaalok na option ang mga doktor para mapalakas ang iyong immune system at lumawig pa ang buhay mo.

At siguro, makabubuting tigilan mo na ang trabaho mo para kung mayroon ka mang aids ay hindi na maisalin ito sa iba.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DEAR CARLO

DR. LOVE

HANGGANG

KASI

NGUNIT

PERO

PINAKAMABUTI

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with