Nabunyag na lihim

Dear Dr. Love,

Tawagin mo na lang akong Mina, may asawa at wala pa kaming anak ng mister ko bagamat limang taon na kaming nagsasama.

Sabi niya may pinaaampon daw na bata sa kanya na dalawang taong gulang. Pumayag naman ako sa kagustuhan ‘kong magkaanak kami.

Nang dalhin niya sa bahay ang bata, nag­duda akong anak niya ito. Kamukhang kamukha niya.

Inusisa ko siya at sa una’y ayaw niyang umamin. Nakita niya ang pagkainis ko sa kanya at napilitan siyang magtapat na anak nga niya ang bata. Pero sinabi niyang wala na sila ng ina ng bata at pumayag lang ito na ibigay ang bata sa kanya dahil mag-aabroad na raw.

Parang may galit din ako sa bata pero natanto ko na wala naman siyang kasalanan. Ano ang gagawin ko? Gusto ko sanang ibalik ito sa kanyang ina.

Mina

Dear Mina,

Tama ka. Sa kasalanan ng Mister mo, hindi­ dapat madamay ang bata. Kung ako ikaw, ta­tanggapin ko ang bata at aariing anak ko.

Maaaring sa umpisa ay masakit pero mapapamahal din sa iyo iyan. Kailangan din tiyakin ng asawa mo na hindi na sila magkikita pang muli ng ina ng bata.

Dr. Love

Show comments