^

Dr. Love

Sinakal sa pagmamahal

-

Dear Dr. Love,

Mayroon po akong matalik na kaibigang lalaki. Mga bata pa lang ay malapit na kami sa isa’t isa. Ang problema ko po ay naiipit ako sa kanyang lovelife. Dahil ang ipinakilala ko sa kanyang babae, na nakarelasyon niya ay nakipaghiwalay na.

Ako po ang pinakikiusapan niya na kumum­binsi kay Anna na makipagbalikan sa kanya. Hindi ko po alam ang puno’t dulo ng kanilang paghihiwalay. Pero para sa aking kababata ay naglakas-loob akong kausapin si Anna.

Dito ko po nalaman ang dahilan at natiyak na wala na siyang balak makipagbalikan sa aking­ kababata. Sinabi ni Anna na nasasakal siya sa sobrang pagmamahal ni Gani. At ayaw niyang magpatali sa ganoong relasyon. Hindi pa man daw sila mag-asawa ay sinasakal na siya nito.

Hindi ko po ngayon malaman kung paano ko sasabihin ang katotohanan na ito kay Gani. Ano po ba ang dapat kong gawin para hindi siya ma-depressed at makalimutan niya ang kabi­guan sa pag-ibig? Gusto ko rin po alamin mula sa inyong pananaw kung ang sobrang pagmamahal nga ba ay sumasakal sa isang tao?

Maraming salamat po at more power.

Gumagalang,

Ditty

Dear Ditty,

Wala namang break up na hindi masakit sa kalooban, lalo pa kung matindi ang pagma­mahal na namamagitan. Gayunman kaila­ngan harapin ang mga sitwasyon na gaya nito. Dahil ito ang unang hakbang para makapag-move on dito.

Maaaring lumabas kayo ng iyong kababata at saka unti-unti mong ipagtapat sa kanya ang sinabi ni Anna. Kasunod nito ay ibigay mo sa kanya ang mga payo na makakatulong para malampasan niya ang kabiguang ito. Pwede mong sabihin na, posibleng hindi si Anna ang nakatakda para makasama niya habang buhay.    

Sa bawat karanasan, pinakamahalaga na matutunan ang hatid nitong leksiyon para hindi na maulit.

Dr. Love

vuukle comment

ANO

DAHIL

DEAR DITTY

DITO

DR. LOVE

GANI

GAYUNMAN

GUMAGALANG

KASUNOD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with