Dear Dr. Love,
Kumusta po kayo? Itago mo na lang ako sa pangalang Iza.
Sa gulang na 14 anyos, ako ay may crush. Tawagin mo na lang siyang Ervin. Kaso mag-on sila ng best friend ko. Pero bago pa sila maging mag-on, crush ko na siya.
Nang sabihin ko ito sa best friend ko, nagalit siya at hindi na ako kinausap. Matagal na kaming mag-best friend kaya masakit din para sa akin ang ganoon.
Balita ko’y nag-break na rin sila ni Ervin at ‘di ko malaman kung bakit ako ang inaaway ng best friend ko.
Bakit ganoon, Dr. Love? Parang dalawang mahal ko ang nawala. Ang crush ‘kong si Ervin at ang best friend ko. Ano ang gagawin ko?
Iza
Dear Iza,
Away bata lang iyan. Unang-una, sinabi mo lang sa friend mo na crush mo ang boyfriend niya.
Pangalawa hindi mo naman inagaw si Ervin sa kanya at kahit ngayong break na sila ay wala kayong relasyon.
Wika nga, charge to experience. Nangyayari iyan kahit kaninong nasa edad mo. Kahit ginalit ka niya, huwag kang magpapakita ng galit at ipakitang friend pa rin ang turing mo sa kanya.
Dr. Love